pinilak ang pakikibaka ng mga manggagawa sa pangunguna ng Kilusang Mayo Uno (KMU)
Dahil sa panukalang emergency powers kay PGMA
Energy Sec. Lotilla at iba pang economic managers, pinayuhan ng KMU na mag-donate na lamang ng dugo para sa mga biktima ng dengue
Ito ay sa gitna ng pinalulutang na panukala ni Lotilla at ng mga economic managers na irerekomenda nila sa kongreso na bigyan ng emergency powers ang pangulo upang lutasin ang kinakaharap na krisis sa langis.
Ipinaliwanag ni Nitz Gonzaga, Kalihim ng Kababaihan ng KMU, na imbes masagot ang krisis sa enerhiya ay lalo lamang mabaon sa hirap ang taumbayan sa muling pagsirit ng presyo nito. Binalikan ni Gonzaga ang nangyari sa panahon ng dating Pangulong Fidel V. Ramos kung saan nang bigyan ito ng emergency powers ay malaya itong nakipagkontrata sa mga dayuhan na malaki ang disbentahe sa mga consumers. Matatandaang dahil dito, tumaas nang ilang ulit ang singil sa kuryente.
Sinabi naman ni Presto Suyat, Tagapagsalita ng KMU, na tiyak na economic disaster ang kalalabasan ng rekomendasyon ni Lotilla at walang seguridad na hindi gagamitin ni PGMA ang emergency powers sa pagkapit ng pangulo sa puwesto.
“Alam natin ang habas ng mukha ni Gloria – lahat gagawin nito katulad ng pandaraya noong nakaraang eleksyon. Hindi emergency powers ang solusyon kundi political will para ibasura ang Oil Deregulation Law na nagiging lisensya ng mga oil companies para magtaas ng presyo ng produktong petrolyo kung kailan nila gusto,” giit ni Suyat.
Binalaan ni Suyat si PGMA na lalo lamang pabibilisin ng panukalang emergency powers ang pagbaba nito mula sa Malakanyang.
Sa usapin naman ng energy conservation, naniniwala ang KMU na ang pagtitipid ay isang magandang gawi na alam na alam ng mga obrero. Kaya lang, ani Suyat, wala nang titipirin ang taumbayan sa sobrang liit ng sahod at dahil sa mataas na mga presyo ng mga bilihin at serbisyo. ###
BALITA
Agosto 10, 2005
P3 kada litro oil price hike, death sentence sa bayan
Pagsirit ng presyo, maglalangis sa krisis ni Gloria -- KMU
Sa patuloy na pagsirit ng presyo langis, nakikinita ng sentrong unyon ng Kilusang Mayo Uno (KMU) ang laksa-laksang pagdagsa ng taumbayan sa lansangan para igiit ang tuluyang pagbaba ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.
“Tama na, sobra na,” ayon kay Nitz Gonzaga ng departamento ng kababaihan ng KMU, “Kapag umakyat pa ang presyo ng langis, para na ring death sentence ito sa mamamayang naghihikahos.”
Sinabi ni Chair Raul T. Concepcion ng Consumer and Oil Price Watch, na maaaring umakyat ang presyo ng gasolina ng P3 kada litro sa darating na mga linggo, 10% na pagtaas mula sa kasalukuyang presyo . Magtataas din diumano ang presyo ng diesel pero hindi na nagbigay ng exact figure si
Ayon sa monitor ng Department of Energy (DoE) mula Agosto 4, ang presyo ng diesel ay nasa pagitan ng P28.79 at P30.48 kada litro at ang unleaded gasoline naman mula P30.6 at P32.6 kada litro sa Metro Manila.
Ipinaliwanag ni Gonzaga na sa ganitong kalagayan, lalo lamang lalangisan ng pagsirit ng presyo ng langis ang impeachment o kampanyang ‘Oust Gloria.’
“Babahain ng mga witnesses ang impeachment ni Gloria, dahil “witness” ang bayan sa kainutilan ng gobyernong Arroyo sa kalagayan ng naghihirap na mamamayan,” pagtatapos ni Gonzaga. ###
NEWS RELEASE
August 9, 2005
Labor leaders to give out peach roses and white ribbons to pro-GMA solons
Militant labor group pledges all the way support for impeachment raps vs. Arroyo, vows to further intensify mass protests
“We have instructed our local membership to hold dialogues and meetings with their respective representatives to convince them on the necessity of pushing through with the impeachment complaints against Arroyo. We are also pushing for the immediate passage of the P125 across-the board wage hike bill for private sector and P3,000 salary hike bill for government employees. The House leadership promised us that after they legislate the EVAT, the P125 wage bill will be their priority concern.”
Agosto 5, 2005
Pakana ng Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang panggagahasa ng World Trade Organization (WTO) sa mga kababaihang manggagawa ayon sa kay Nitz Gonzaga, Kalihim ng Women’s Department ng sentrong unyon na Kilusang Mayo Uno (KMU).
Ipinaalala ni Gonzaga na si Pangulong Arroyo, bilang senador noong 1994, ang pangunahing sponsor sa pagpasok ng bansa sa World Trade Organization-General Agreement on Tariffs and Trade (WTO-GATT) na lubhang nakakaapekto sa lokal na agrikultura at manupaktura.
Ayon kay Gonzaga, dahil sa globalisasyon na inilalako ng WTO, libo-libong empresa ang pinapatay ng mga multinational companies (MNCs) at transnational companies (TNCs), “Taliwas sa pahayag ng pangulo sa kanyang SONA na apat na milyong trabaho ang nalikha ng kanyang administrasyon, sa makalipas na apat na taon, ayon sa IBON Foundation, walong (8) establismiyento ang nagsasara at 196 manggagawa ang nawawalan ng trabaho araw-araw dulot ng liberalisasyon sa ekonomiya.”
Sinabi pa ng lider-manggagawa na sa panahon pa lamang ng pagiging pangulo ni Gloria, nadagdagan ng 190,000 ang bilang ng kababaihang walang trabaho noong Oktubre 2004 pa lamang at nananatiling mataas ang unemployment rate sa kababaihan sa 11.7%.
Bilang pinakamalaking multilateral trade body sa ika-10 taon nito, pangunahing nilalako ng WTO ang malayang kalakalan at nangako ng murang produkto, mataas na sahod at mababang cost of living, at paglago ng ekonomya. Pero matapos ang isang dekada, ani Gonzaga, nalalantad ang katotohanan kung paanong nilunod ng pangulong Arroyo ang bansa sa negatibong epekto ng trade liberalization sa ilalim ng WTO agreement.
Samantala, ipinaabot ni Presto Suyat, Spokesperson ng KMU, ang pakikiisa ng kanilang grupo sa iba’t ibang progresibong organisasyon sa paglaban sa Doha Development Agenda ng WTO na lalong magbubukas ng mga bagong merkado para sa mga produkto at serbisyo na ani Suyat ay lalong papatay sa lokal na produksyon ng bansa.###
NEWS RELEASE Workers, consumers and transport groups preparing to launch strikes once Supreme Court lifts EVAT restraining order Labor center Kilusang Mayo Uno (KMU) said they are now preparing to launch nationwide labor and transport strikes in response to the Arroyo government’s possible lifting of the restraining order on the implementation of the Expanded Value Added Tax (EVAT) this month. “Industrial protests and transport strikes will be our response to the government’s stubborn efforts to impose Charter Change while neglecting more urgent matters like the spiraling cost of oil products, consumer goods and public utilities,” said KMU Spokesperson Presto Suyat. “The strikes are scheduled to take place immediately after the lifting of EVAT TRO and its eventual implementation. We are preparing our ranks, especially labor unions, urban poor groups and transport organizations under KMU for the nationwide strike. The upcoming transport strike will be the next wave of political action against Arroyo after the massive people’s protests last SONA which successfully gathered over a hundred thousand people supporting calls for Arroyo’s ouster,” said Suyat. “Prices of petroleum products, utilities including electricity, water, telecommunications, medical and legal services and almost all consumer goods will double once EVAT is in effect. This will create an even more intense economic pandemonium. A consumers’ revolt is inevitable once the government insists on implementing the EVAT amid popular calls for Mrs. Arroyo’s resignation. We are compelled to take on drastic actions to confront the execution of EVAT,” Suyat said. Meanwhile, KMU Secretary General Joel Maglunsod stressed that the possible lifting of the Supreme Court imposed TRO on EVAT was hinted in the statements of outgoing US Charge d’ Affairs Joseph Mussomeli when he said that the Arroyo government should focus and work double time on implementing urgent economic reforms that will keep the Philippine economy afloat for foreign businesses and investments amidst the burning political situation. “U.S. is still banking on Arroyo to implement EVAT and make the most out of the government’s so-called revenue generation measures. As we all know, proceeds of the EVAT will definitely go to foreign debt servicing. EVAT will further bleed out consumers, especially the poor working people. This early, oil companies are projecting increases of as much as P3-6 per liter on prices of petroleum products once EVAT takes effect,” the labor leader concluded. ###
today
March 2006
February 2006
January 2006
December 2005
November 2005
October 2005
September 2005
August 2005
July 2005
June 2005
visited *loading* times