Kilusang Mayo Uno

pinilak ang pakikibaka ng mga manggagawa sa pangunguna ng Kilusang Mayo Uno (KMU)

Thursday, 29 September 2005

BALITA

Setyembre 29, 2005

Pambansang protesta sa araw ng libing ng pinaslang na lider-unyon

DoLE Sec. Sto. Tomas, tahimik sa pamamaslang; mga manggagawa, hindi mabubusalan -- KMU

Libong kamanggagawa, mga kaibigan at tagasuporta mula sa Cavite, Quezon, Batangas, Rizal, at Kamaynilaan ang dumagsa sa Laguna alas-sais pa lamang ng umaga ngayong araw para samahan sa paghahatid sa huling himlayan nito ang naulilang pamilya ni Diosdado “Ka Fort” Fortuna, pinaslang na lider-unyon sa Nestle Cabuyao.

Sasabayan ng protesta mula sa iba’t ibang panig ng bansa ang libing ni Fortuna.Koordinadong protesta ang ilulunsad ng iba’t ibang tsapter ng KMU at iba pang kapanalig sa Bikol, Cebu, Davao, Central Mindanao, Far South Mindanao, Central Luzon, at National Capital Region. Sa NCR, magtitipon ang mga magpoprotesta sa may UST nang ala-una ng hapon bago tumulak patungong Plaza Miranda ng alas-dos y media.  

Ayon kay Joel Maglunsod, pangkalahatang-kalihim ng sentrong na unyon na Kilusang Mayo Uno (KMU), “Inaasahan na namin ang pagharang sa aming hanay. Kung kahapon nga ay nagawang lapastangin ng mga pulis ni Gloria ang aming patay nang harangin ang aming caravan na mag-uuwi sa labi ni Ka Fort sa Laguna mula sa burol nito sa UP. Pero hindi kami mananahimik sa gitna ng patuloy na pangungutang ng buhay sa aming hanay ng rehimeng ito. Sasabayan namin ang ‘calibrated preemptive response’ ni Gloria at tiyak na pagsisihan niya ang aming tugon sa kanyang naghuhunyangong martial law.”

Binatikos naman ni Presto Suyat, Tagapagsalita ng KMU, ang pananahimik ni Sec. Patricia Sto. Tomas hinggil sa pagpaslang kay Fortuna, “Wala talagang maaasahan sa kalihim ang mga manggagawa. Walang pagkondenang narinig man lamang mula kay Sto. Tomas sa karumal-dumal na pangyayaring ito sa kilusang paggawa.”

Sinabi rin ni Suyat na hindi rin ito nakapagtataka dahil ang mga karahasan laban sa mga manggagawa sa piketlayn ay dinulot ng walang patumanggang pag-iisyu ng kalihim ng Assumption of Jurisdiction (AJ). Si Sto. Tomas din ang nag-isyu ng AJ sa mararahas na dispersal sa piketlayn sa Nestle Cabuyao na pinamunuan ni Ka Fort nang kulang-kulang na apat na taon bago ito pinaslang noong Setyembre 22. ###

posted by: KMU at 04:01 | link | comments |

BALITA                       

Setyembre 29, 2005                                               

Pagko-court martial kay Gen. Gudani at Lt. Col Balutan sa pagsasabi ng katotohanan

“ Tell that to the marines!” – KMU

BINALAAN ng militanteng Kilusang Mayo Uno (KMU) ang Malakanyang at liderato ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na ang deklarasyon nitong iko-court martial si Gen. Francisco Gudani at Lt. Col. Alexander Balutan sa pagsasabi ng katotohanan kahapon ay pag-imbita ng lalo pang gulo sa bansa.

Ayon kay Presto Suyat, Tagapagsalita ng KMU na magdudulot ng ibayong pagkakahati sa hanay ng mga sundalo ang deklarasyon at pananakot kanila Gudani at Balutan.

“ Tell that to the Marines! Ang akala yata nila Gng. Gloria Macapagal-Arroyo, Executive Secretary Eduardo Ermita at AFP Chief of Staff Generoso Senga na hindi nag-iisip at walang emosyon ang mga sundalo lalo na ang mga marines. Malinaw na walang katarungan ang pagtrato nila kanila Gen. Gudani at Lt. Col. Balutan. Kung wala silang itinatagong baho, bakit ganoon kagrabe ang desperasyon nilang busalan ang mga bibig ng mga sundalong naniniwala sa katwiran at katarungan? Ni katiting na delicadeza ay nawala na sa kanila” sabi ni Suyat.

Inirehistro rin ni Suyat na ang Executive Order No. 464 na nagbabawal sa mga miyembro ng AFP at mga Kabinete ni Arroyo na tumugon sa mga paanyaya ng Kongreso at Senado para sa imbestigasyon kung walang pahintulot ng Malakanyang ay sagad-sagaring awtokratiko at bumubuhay sa panahon ng diktaduryang Marcos.

“ Tumatanggi ang Malakanyang na wala silang planong magdeklara ng martial law pero halos lahat ng kanilang mga aksyon at mga deklarasyon nitong mga nakaraang araw ay pawang mga simbolo ng paghahari ng diktadurya at hindi ng demokrasya. Una’y ang calibrated preemptive response, ang lalong paghihigpit sa rali sa pamamagitan ng no-permit, no rally, ang planong itake-over o kontrolin ang mga mahahalaga o vital industries tulad ng mga kumpanya ng langis, paliparan o airlines at kumpanya ng barko kapag lalong lumala raw ang  krisis sa langis. At ngayon nama’y pagbusal sa bibig ng gustong magpahayag ng katotohanan. Hindi pa ba ito martial law? ” diin ni Suyat.

Sa kabilang banda, iginiit din ni Suyat na mabibigo ang Malakanyang at AFP kung akala nila’y magigipit at mamimilipit na lamang ang mga makabayang sundalo at mamamayang Pilipino sa mga di-makatwirang pagbabawal na ito.

“ Ang bayang lalong iniipit sa pader ay walang ibang gagawin kundi ang lumaban. Nakasulat at ilang beses na itong napatunayan sa ating kasaysayan. Kahit ang maamong aso ay kumakagat kapag sinasaktan. Lalaban kami!” pagwawakas ni Suyat.###

posted by: KMU at 02:56 | link | comments |

Wednesday, 28 September 2005

PRESS RELEASE

September 28, 2005

National Day of Indignation tomorrow

“Arroyo government will pay for all its crimes against workers”-- KMU

 

Militant labor center Kilusang Mayo Uno today said they will not stop seeking justice for the brutal death of labor leader Diosdado ‘Ka Fort’ Fortuna. Arroyo’s ouster will be the most fitting justice for Ka Fort’s slaying. From UP Diliman, a funeral protest caravan will proceed to Mendiola and Nestle Head Office at Rockwell Power Plant Mall in Makati. Workers will bring home Ka Fort to his hometown in Laguna.

“Dadalhin namin sa harap mismo ng mga salarin ang malamig na bangkay ni Ka Fort. Katarungan ang sigaw ng mga manggagawa sa pagpaslang sa kanya. Wala siyang ibang sala kundi ipaglaban ang kapakanan ng mga manggagawa at mamamayan,” said KMU Chairperson Elmer Labog.

Labog also condemned Malacanang’s silence on Ka Fort’s killings. Our one hand points to government forces while our other hand points at the capitalist Nestle as the main perpetrators in this gruesome politically-motivated killing. 

“Workers nationwide will pay their highest tribute to Ka Fort by launching a National Day of Protest tomorrow, September 29. Ka Fort’s martyrdom will not go in vain. Workers will continue to work for Arroyo’s ouster despite the campaigns of suppression launched by Malacanang.”

Labog said KMU will push through with the protests tomorrow coinciding with Ka Fort’s burial. KMU chapters from Bicol, Cebu, Davao, Central Mindanao, Far South Mindanao, Central Luzon, National Capital Region will launch protests and work stoppages as an indignation to the growing attacks on the labor front. We are holding Malacanang, the Department of Labor and Employment, the Philippine National Police and Armed Forces of the as the primary perpetrators of Ka Fort’s murder. We will seek for justice through all forms of struggle. The long hand of revolutionary justice will definitely punish the mastermind and executors of the series of political killings nationwide.

“Ka Fort’s loss will add more strength to our unity and struggle to defeat Arroyo’s presidency and exact justice to all victims of political repression and trade union and human rights violations.”Bibiguin ng taumbayan ang Martial Law ni Gloria na nag-aanyong ‘calibrated preemptive response.”

KMU condemned the police and military for constantly harassing Ka Fort’s funeral protest caravan. Several blockades were set up by the police to prevent the caravan to reach Mendiola and Nestle office. “What kind of government is this? Arroyo has no respect even for a dead person. We’ve had enough of Gloria. We will realize her ouster from Malacanang as soon as possible.” ### References: Elmer Labog -0918-5515014, Mao Hermitanio 09272213353

BALITA                       

Setyembre 28, 2005                                               

Matapos ang deklarasyon ng ‘calibrated preemptive response’ ni Gloria

Marahas na pananalakay sa mga unyon, nagpapatuloy; Ikinulong na opisyal ng nakawelgang unyon ng Ren Transport, palayain! -- KMU

Nagpapatuloy ang pagbira sa hanay ng mga manggagawa sa mararahas na pananalakay sa mga unyon matapos ng deklarasyon ng ‘calibrated preemptive response’ ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ayon sa sentrong unyon na Kilusang Mayo Uno (KMU).

Ayon kay Joel Maglunsod, Pangkalahatang Kalihim ng KMU, “Habang ipinagluluksa namin ang pagkawala ng isang magiting na lider-manggagawa na si Diosdado ‘Ka Fort’ Fortuna, tagapangulo ng unyon sa Nestle Cabuyao, na walang-awang pinaslang matapos din ng mala-martial law na deklarasyon ni Gloria, binuwag ang payapang piketlayn at ikinulong naman si Vincent Quitoras, tesorero ng Samahan ng mga Manggagawa sa Ren Transport (SMART-ADLO-KMU). Ang Ren Transport ay isa sa pinakamalaking nangungontrata ng basura sa Kamaynilaan at nakawelga pa mula noong nakaraang buwan.

Ayon sa ulat, katanghalian noong Setyembre 26 sa Montalban Ren Motor pool kung saan nakatayo ang isa sa mga piketlayn ng mga manggagawa ng Ren Transport, nang marahas na salakayin ng humigit-kumulang sa labinlimang (15) pulis ng Montalban na armado ng armalayt at pistola, kasama ang mga bayarang goons na may takip ng bonnet sa mukha.

Ayon sa salaysay ng mga manggagawa, ilang pulis ang nakasakay sa mobile at karamihan sa kanila ay sakay ng dump truck ng Ren. Kalahati diumano ng mga pulis ang sumalakay sa mga nagpipiket na mga manggagawa habang nagpaputok naman ng armalayt ang isang pulis. Dahil dito, nagtakbuhan ang mga welgista. Dito na hinabol ng mga pulis ang mga welgista at nahuli si Quitoras.

Sinabi ni Nestor Fulminar, Tagapangulo ng SMART, na walang dalang court order ng labor at husgado ang mga nagdispers sa piketlayn. Hindi rin diumano nagkaroon ng negosasyon at basta na lamang nilusob ang kanilang hanay. “Kalahati ng tropa ng mga pulis na inalalayan ng mga goons at drayber ng truck ang pumasok sa motor pool at ilang sandali pa’y pinaandar at itinakas ng mga pulis  at goons ang labingdalawang dump trucks ni kay Nilo Pazcuguin, ang kapitalista ng Ren. Sinisingil namin ang sabwatan nina Pazcuguin, Mayor Cuerpo, at Police Inspector Dominador Pinid sa pangyayari.”

Dinala naman si Quitoras sa San Jose PNP Detachment sa Montalban at kinasuhan ng gawa-gawang kaso tulad ng maliscious mischief, resisting arrest, at assault resulting to damage to property.

“Walang dahilan para pagdudahan namin ang kutsabahan ng gobyerno, ng pulisya at ng mga kapitalista para gawing pipi ang kilusang paggawa sa aming pagpapahayag sa aming mga karaingan. Ramdam na ramdam ng mga manggagawa ang kamay na bakal sa aming hanay pero hinding-hindi kami matatakot, ”pagtatapos niMaglunsod.

Ipinanawagan naman ni Maglunsod ang kagyat na pagpapalaya kay Quitoras at ang pananagot sa pananalakay ng mga alipores ni PGMA sa kilusang paggawa.###

Para sa iba pang detalye, makipag-ugnayan kay Jovito Labay, Board Chairman ng SMART (09203543768)



posted by: KMU at 02:46 | link | comments |

Tuesday, 27 September 2005

ka fort

posted by: KMU at 05:12 | link | comments |

NEWS RELEASE                    

September 27, 2005                                 

CHR promises investigation, public hearings on Ka Fort’s slaying

Workers schedule September 29 as National Day of protest and indignation on the killing of labor leader Ding Fortuna

The militant labor center Kilusang Mayo Uno today challenged the Commission on Human Rights through its Commissioner Purification Quisumbing to work double time in resolving the case of Diosadado “Ka Fort” Fortuna’s murder.

Representatives from Nestle workers union, Pagkakaisa ng mga Manggagawa sa Timog Katagalugan (PAMANTIK), National Coalition for the Protection of Workers Rights (NCPWR), KMU and Ka Fort’s wife, Luz, talked to Quisumbing yesterday to ask the Commission to prioritize resolution of Fortuna’s case. On the other hand, Quisumbing and CHR Executive Director Atty. Jake Mejia promised to conduct investigations and public hearings to shed light on the case and as to who are the perpetrators of the political assassination.

“We cannot rely on local authorities including the Laguna Provincial Command of the PNP to look into the case. For all we know, they could be involved in the planning, surveillance and execution of the brutal killing of Ka Fort. The military, police and intelligence units in Southern Tagalog have the all capacity and motives to exact such heinous crime as what had happened to Ka Fort on that fateful afternoon last September 22. Their record of violence is enough for us to consider them as the primary suspects in Ka Fort’s murder,” said PAMANTIK Secretary General Luz Baculo.

Nationwide protests vs. state repression, political killings

KMU Chairman Elmer Labog announced that on September 29, workers nationwide will lead a National Day of protest and indignation to denounce Ka Fort’s killing.

“Workers will go out of their factories and workplaces to mourn and protest Ka Fort’s death in the hands of the state and capitalist Nestle . As of now, we have two main suspects in the killing. Our hand points to the Arroyo government as a suspect while our other hand is directed at the management of Nestle . Ka Fort regarded only the Arroyo government and the Nestle management as his lifetime enemies. He fought the injustices and exploitation exacted upon by Nestle and Arroyo upon workers and the people. This was his only fault that he paid dearly with his life in the hands of mercenaries.”  

“Ka Fort is the first victim of Arroyo’s brand of Martial Law through the iron hand policy and calibrated preemptive response. And we are inviting all those who want to see Ka Fort’s remains to visit his wake at the Church of the Risen Lord in UP Diliman. While we condole and mourn with his family on this period of grieving, we are preparing our ranks for the September 29 protests,” Labog said.

A protest caravan will bring home Ka Fort to Laguna tomorrow for the last night of his wake at the Nestle Cabuyao picketline. ###

posted by: KMU at 05:08 | link | comments |

Monday, 26 September 2005

BALITA

September 26, 2005

 

Martial Law ni Gloria bibiguin ng taumbayan

KA DING FORTUNA, BIBIGYAN NG TATLONG ARAW NA LUKSANG PARANGAL NG MGA MANGGAGAWA; MGA WELGA AT PROTESTA ISUSUNOD

 

Dadalhin ngayong umaga ng Pagkakaisa ng mga Manggagawa sa Timog-Katagalugan, Bayan Southern Tagalog, KARAPATAN-ST at libu-libong manggagawa ang mga labi ng pinaslang na lider manggagawa na Diosdado “Ka Fort” Fortuna sa Manila para iprotesta ang brutal na pamamaslang sa kanya at sa iba pang kasapi at lider ng mga progresibong organisasyon sa rehiyon.

 

Titigil sa harap ng Department of National Defense (DND) ang caravan at kokondenahin ang militar sa mga karumal-dumal na krimen ng gobyerno sa mamamayan. “Si Ka Fort ang unang biktima ng lantarang Martial Law ni Gloria sa anyo ng kanyang patakarang kamay na bakal laban sa mga militante.”

 

“Bibiguin ng taumbayan ang Martial Law ni Gloria. Itatakwil natin ang Calibrated Preemptive Response o CPR na isasagot nila sa mga protesta at rali ng taumbayan. Hindi natin kailangan ang nakamamatay na CPR ni Gloria at ni Executive Secretary Eduardo Ermita na siyang kumander ng mga nakadeploy na death squads na kumikilos ngayon para patahimikin ang mga progresibong nananawagan ng pagpapatalsik sa gobyernong Arroyo,” ani KMU Chairman Elmer Labog.

 

Ngayong gabi, may ecumenical mass, 6 PM sa University of the Philippines Diliman Chapel na pangungunahan ng mga organisasyong masa sa 
Timog-Katagalugan. May Luksang Parangal din na ilulunsad mula
8 pm hanggang 10 ng gabi. Magpapalabas ng maikling video documentary
ang Southern Tagalong Exposure alay kay Ka Fort.
Bukas (Setyembre 27), 7 pm, bibigyan ng Luksang-Parangal ng mga manggagawa si Ka Ding na pagtutulungan ng Kilusang Mayo Uno, 
PAMANTIK-TK at National Coalition for the Protection of Workers Rights.
Alamin natin ang mga likhang sining ni Ka Fort at ang mga maningning na aral na iniwan niya sa militanteng kilusang paggawa at kilusang 
progresibong masa. Sa Setyembre 28, sa huling gabi ng burol, ilalagak naman sa piketlayn ng Nestle Cabuyao ang mga labi ni Ka Ding.
Simbolo ito ng matatag na pakikibaka at pamumuno niya sa unyon ng Nestle sa loob ng tatlong taon at walong buwang welga.
Hanggang sa kanyang huling hininga, lumaban at matibay siyang nanindigan sa kapitalistang Nestle na yumuyurak sa karapatan,
nagsasamantala at pumapatay sa mga manggagawa. Sa Setyembre 29 ang libing ni Ka Ding Fortuna sa Laguna. ###

 

 

Reference: Elmer Labog, 0920-6388960, Presto Suyat, KMU Spokesperson, 0916-3225642

posted by: KMU at 05:50 | link | comments |

Friday, 23 September 2005

NEWS RELEASE                   

September 23, 2005                            

Malacanang’s ‘Calibrated preemptive response’ to anti-Arroyo forces in progress

 “Arroyo’s hands bloody again with the killing of KMU National Council Member, Nestle Cabuyao Union President Diosdado

“Ka Fort” Fortuna” - KMU

Labor center Kilusang Mayo Uno (KMU) condemns in strongest terms the brutal killing of Diosdado “Ka Fort” Fortuna,  President of Union of Filipino Workers Union, the workers union of Nestle Cabuyao,  he is also the Chairperson of Pagkakaisa ng mga Manggagawa ng Timog Katagalugan (PAMANTIK-KMU) and Chairman of Anakpawis-Southern Tagalog. He was shot dead at around 6 pm last night in front of Sagara Factory in Canlubang, Laguna.

Fortuna, 50 years old, is an active member of KMU National Council and has served the militant labor movement for 29 years since 1976 as a labor leader of the multinational company Nestle workers’ union. He also holds several positions, including Anakpawis Party List-Southern Tagalog Chairman and Co-Chairperson of the National Coalition for the Protection of Workers Rights-Southern Tagalog (NCPWR-ST). He is survived by his wife Luz Fortuna and their three children.

Luz Baculo, PAMANTIK-ST Secretary General said Fortuna left the Nestle picket line in Cabuyao, Laguna at around 5 pm yesterday. Ka Fort was supposed to visit his ailing grandson and was on board a motorcycle on his way home to Barangay Paciano when he was attacked by still unidentified assailants. He sustained two fatal caliber .45 gunshot wounds in the chest. He was rushed by bystanders to the Calamba Doctors Hospital but was pronounced dead on arrival. According to eye witnesses, motorcycle riding men fired shots at Fortuna.

“We are certain that the killing is politically motivated. Arroyo’s hands are bloodied once more with the assassination of Ka Fort. Given the notorious record of human rights violations and summary executions of leaders, members and activists of progressive peoples’ organizations in Southern Luzon and other parts of the country, we are holding the military, police, Regional Special Action Force and the Gloria Macapagal-Arroyo government highly accountable in the killing,” said KMU National Chairperson Elmer Labog.”

“As a principled labor leader, Ka Fort manned the Nestle picket lines since their strike started in January 2002. He consistently advocated workers’ rights and welfare by actively serving the union and progressive people’s movement in Southern Tagalog, despite dangerous conditions and threats on his life. He braved and fought the government’s militarization campaign and atrocities on the people’s rights and livelihood.

We will seek justice for his death and will send the evil perpetrators of this murder to hell where they belong,” Labog said.

Fortuna is the third regional mass leader killed after KASAMA-TK chairperson Eddie Gumanoy and Eden Garcellana of KARAPATAN – Southern Tagalog were killed in April 2003.

 

Indignation protests underway; militants seek justice for all victims of political repression

 

Baculo said that local unions and labor associations under PAMANTIK-ST will hold an indignation protest at Calamba Crossing in Laguna this morning. KMU leaders and unions from NCR will send a delegation to Laguna for the protest and will proceed to Fortuna’s wake this evening.

Center for Trade Union and Human Rights (CTUHR) and NCPWR sent a fact-finding team to Laguna to look deeper into the details of Fortuna’s killing.

Noel Alemania, Vice President of UFE-DFA-KMU said Fortuna’s even presided an All-Leaders meeting of Southern Tagalog labor federations ALMAPILA and OLALIA yesterday morning and discussed with UST students who were at the Nestle picket line yesterday afternoon before he was killed.

Also, last September 21, Fortuna gave an address during the anti-Martial Law rally held in front of Nestle picket line. “Ka Fort’s death proves that there is Martial Law in the labor front. Workers fighting for their livelihood and job security often receive the most brutal response from capitalists, Labor Secretary Patricia Sto. Tomas, the Department of Labor and Employment and other government forces,” said Labog.    

Fortuna is the second Nestle Union President killed during an ongoing labor strike. His predecessor Meliton Roxas, was also killed infront of Nestle picketline in 1989. ###

Reference: Elmer Labog, KMU Chairperson 0920-6388960, Presto Suyat, KMU Spokesperson 0916-3225642

posted by: KMU at 01:54 | link | comments |

Thursday, 22 September 2005

NEWS RELEASE

September 22, 2005

 

“Calibrated preemptive response” towards rallies a part of Arroyo’s creeping Martial Law

“Executive Secretary Ermita is the new Gen. Fabian Ver” -- KMU

 

The militant labor center Kilusang Mayo Uno today criticized Executive Secretary Eduardo Ermita on his statement that “maximum tolerance” will not be observed during rallies and instead, “calibrated preemptive response” will be implemented.”

 

According to KMU Spokesperson Prestoline Suyat, “the actions and statements of Ermita remind us of Gen. Fabian Ver, AFP Chief of Staff during the administration of former dictator Ferdinand E. Marcos.

 

“Ermita talks and acts like Gen. Fabian Ver. Ermita’s response to anti-Arroyo rallies are reminiscent of Ver’s position to use military force against those who are gathered at Edsa during People Power 1 against Marcos’ dictatorial rule. This only shows Ermita’s fascist character and he is one of the reasons why militarization and political repression continue to intensify on a nationwide scale,” Suyat said. 

 

Suyat affirmed that Ermita’s stance toward progressive groups and anti-Arroyo forces will not in any way help ease the escalating political and economic crisis in the country.

 

“If Ermita thinks that his threats will lessen protest actions in the streets, he is absolutely wrong. Even Martial Law or open fascist rule did not stopped rallies, demonstrations and strikes in factories, universities and the streets. Our issues are legitimate and we demand the government to hear our demands,” Suyat stressed.

 

On the other hand, Suyat also condemned the violent dispersal of rallyists at Welcome Rotonda, Quezon City yesterday that resulted to the hurting and arrest of several leaders and members of labor groups Bukluran ng Mangagawang Pilipino and Partido ng Manggagawa.

 

“If the violent dispersal of rallies at Welcome Rotonda is the start of Ermita’s calibrated preemptive response, such policy is certain to fail. With or without permit, police forces must respect the democratic rights of freedom of speech and assembly. If Ermita is already implementing a ‘creeping martial law’, this will only amplify and expand protest and mass actions nationwide that will lead to the ouster of Arroyo’s corrupt, fraudulent and burdensome presidency, Suyat concluded. ###

__________________________________________________________________________

Reference: Prestoline Suyat, KMU Spokesperson, 0916-3225642

NEWS RELEASE

September 21, 2005

With or without open fascist rule

“Like what happened to Marcos, People Power will seal Arroyo’s fate” – KMU

 

The militant labor center Kilusang Mayo Uno (KMU) said it is inevitable that Gloria Macapagal-Arroyo will face the same fate as the late dictator Ferdinand Marcos especially with the current social condition and escalating protests from all sectors.

 

“As we commemorate the bravery and determination of the Filipino people to uphold and defend democracy and freedom, we say never again to Martial Law and enough of Gloria Macapagal-Arroyo,” said KMU Chairman Elmer Labog.  

 

“The economic and political crisis besetting the country now is worse than during pre-Martial Law period. Even without open declaration of Martial Law, we are experiencing the same terror and repression courtesy of Malacanang, AFP and PNP. Anti-government rallies are prohibited and often dispersed. Picket lines are dismantled and striking workers experience brutal treatment from police, military and local government units. Political activists are harassed, abducted or killed. Thousands of civilians were victimized by the intense militarization campaign launched by Arroyo against the people’s movement seeking for her removal as President.”

 

“Under Arroyo’s presidency, there’s no need for official declaration of Martial Law. Without batting an eyelash, Arroyo is capable and ready to crush everything and anything that comes her way. But the people will not let her succeed. We will persevere in the campaign for her ouster.

 

“The rallies today must serve as a warning to Mrs. Arroyo - in the course of the people’s struggle to oust her corrupt and burdensome leadership, the people’s movement is gaining more strength, expanding its ranks and doubling up its capacity to fight and overthrow the Arroyo regime and elite rule in the Philippine society.”

 

Labog said they are working on educating workers, urban poor and other sectors on the principles of the transition council that will take over as a transitional government after Arroyo’s ouster.

 

intervention makes Arroyo more unpopular

 

Meanwhile, the labor leader said that the government’s continued intervention in our local national affairs add more to Arroyo’s unpopularity. “Ramming into our throats anti-people policies like EVAT and Charter change through the Venable LLP lobby contract will elicit more anti-Arroyo protests.”

 

“We must not forget that it is the government who first expressed support to Marcos’ declaration of Martial Law. In fact, benefited much from Martial Law because of the policies imposed by Marcos during that time like privatization of government corporations, increased foreign debts, graft and corruption, military intervention and the overall subservience of the Malacanang puppet government to policies,” said Labog. ###

Reference: Elmer Labog, KMU Chairperson, 0920-6388960

posted by: KMU at 03:46 | link | comments |

Tuesday, 20 September 2005

BALITA

Setyembre 20, 2005

Sa 100, 000 manggagawa nagbabanta sa tigil-trabaho

DoLE Sec. Sto. Tomas, denial queen! -- KMU

Tinawag na “denial queen” ng sentrong unyon na Kilusang Mayo Uno (KMU) si Sec. Patricia Sto. Tomas ng Department of Labor and Employment (DoLE) sa pagtatangka nitong pagtakpan ang mukha ng pagtaas ng bilang ng mga manggagawa na nagbabanta ng tigil-trabaho.

Ayon kay Elmer ‘Bong” Labog, tagapangulo ng KMU, “Hindi lamang AJ Queen itong si Sto. Tomas dahil sa walang patumanggang pag-iisyu ng Assumption of Jurisdiction sa aming mga piketlayn na dumulo sa pagmasaker sa napakarami naming kapwa-obrero tulad nang naganap sa Hacienda Luisita. Ngayon naman, hindi siya magkandatuto sa pagbibigay ng paliwanag para pagtakpan ang kaligaligan sa sektor ng paggawa.”

Ayon sa datos ng National Conciliation and Mediation Board (NCMB), umaabot sa 94, 203 manggagawa mula sa 400 establismiyentong kumersyal sa buong bansa ang nag-file ng notice of strike (NOS) sa nakalipas na siyam na buwan. Tumaas naman  ng 9% ang bilang ng mga manggagawa na kasama sa labor dispute. Sumirit din ng 41% ang full-blown strikes, mula 17 strikes hanggang 24 tigil-tabaho sa nakalipas na siyam na buwan ngayong taon.

Minaliit lamang ni Labog ang diumano’y pagmamayabang ni Sto. Tomas na 70% lamang ng NOS ang nagiging full-blown strike dahil sa conciliation at mediation, “Ang totoo, ginagamit ang batas laban sa mga manggagawa para takutin at patahimikin ang mga ito sa kanilang mga hinaing at dahil dito, hindi masisi ng DoLE na ang tingin ng mga manggagawa sa ahensya ay accomplice ng mga kapitalista sa pag-atake sa aming mga demokratikong karapatan. Anumang panggigipit ng gobyerno, korte, pulis at mga militar sa mga manggagawa na nagwewelga at nagpaplanong magwelga, hindi napipigilan ang mga obrerong ipaglaban ang kanilang sahod, trabaho at karapatan,” sabi ni Labog.

Pambabarat sa sahod, nagtutulak ng brain drain  sa health sector

Sinabi naman ni Presto Suyat, Tagapagsalita ng KMU, na patunay na may  ligalig o “unrest” sa hanay ng mga obrero, partikular sa mga manggagawang pangkalusugan dahil sa mga NOS na isinasampa ng mga unyon ng iba’t ibang ospital.

Nagsampa ng NOS ang mga malalaking pribadong hospital tulad ng St. Lukes’ Hospital, United Doctors Medical Center (UDMC) at Makati Medical Center kamakailan.

“Kung ang mga duktor, nars at iba pang empleyado sa St Lukes’s,  UDMC at Makati Med ay nagrereklamo dahil sa mababang pasahod sa kanila at kokonting benepisyo, ano pa kaya sa maliliit na pampublikong hospital? Dahil sa mababang sahod at kulang na benepisyo, napipilitan  ang ating mga doktor, nars at iba pa na mag-abroad. Dahil dito ang bayan ang lagiging kawawa,” paliwanag ni Suyat. ###

 

 

posted by: KMU at 03:41 | link | comments |

Thursday, 15 September 2005

Maaari kayong kumontak sa KMU sa sumusunod na mga email address:

kmu_obrero@yahoo.com
kilusangmayouno@gmail.com

Maraming salamat.

posted by: KMU at 05:19 | link | comments |

BALITA

Setyembre 15, 2005

PAGPATAY AT PAMAMARIL SA ISANG MANGGAGAWA AT PAGKASUGAT
NG ANIM PA SA SCHNEIDER PACKAGING COMPANY, KINONDENA NG KMU

 

KINONDENA ng militanteng Kilusang Mayo Uno (KMU) ngayon ang brutal na pagpatay sa isang manggagawa at pagkasugat ng anim na manggagawang  nakawelga ng Schneider Packaging Company sa Caloocan City  noong Martes ng hapon.

Ayon sa paunang balita, pinaulanan ng bala ng mga security guards ng naturang kumpanya ang mga manggagawang nakawelga habang naghahanda para  sa isang symposium ng araw na iyon. Bago ito, pinagmumura at pinagtutulakan ng mga guwardiya ang mga manggagawa sa harap ng gate ng kumpanya.

Sinabi ni Joel Maglunsod,  pangkalahatang-kalihim ng KMU na lubhang kasuklam-suklam ang pamamaril at pandarahas sa mga manggagawa lalo na’t ito’y sa utos ng may-ari ng kumpanya na si Filipina Mandap.

“ Ayon sa aming nakalap na paunang impormasyon, inutusan ni Mandap ang mga guwardiya na pagbabarilin ang mga nakawelgang manggagawa at kung hindi ay tatanggalin niya ang mga guwardiya sa trabaho. Parang dagang-estero na itinuring ni Mandap ang mga obrero na nagdudulot ng kita para sa kanya at kanyang pamilya. Hindi namin palalagpasin ang ganitong krimen sa aming mga kamanggagawa. Humihingi kami ng katarungan para sa kanila,” sabi ni Maglunsod.

Inirehistro rin ni Maglunsod na dapat lamang na kagyat na maimbestigahan ng Department of  Labor and Employment (DOLE) ang pagpatay at pamamaril sa mga manggagawa ng Schneider Packaging Company at kasuhan at ipakulong ang mga salarin. Nanawagan din siya sa National Coalition for the Protection of  Workers Rights (NCPWR) at Center for Trade Union and Human Rights (CTUHR) na mangalap pa ng datos hinggil dito at matulungan ang mga manggagawa, partikular ang mga naging biktima ng pandarahas ni Mandap at mga guwardiya.

” Ang hinihingi lamang ng mga nakawelgang manggagawa ay mas mataas na sahod, pagtigil sa arbitraryong tanggalan sa trabaho at benepisyo mula sa Social Security System (SSS).  Nararapat lamang ito dahil ilan  sa mga obrero ay tumatanggap lamang ng kakarampot na P148 na sahod sa 12 oras ng pagtatrabaho. Sinong hindi magwewelga at lalaban sa ganitong hindi makataong kalagayan sa paggawa? Napakalehitimo ang karaingan ng mga manggagawa at hindi tamang sila’y pagbabarilin at dahasin pa sa halip na pakinggan at sagutin ang mga ito,” diin ni Maglunsod.

Dagdag pa dito, sinabi rin ng lider-manggagawa na ang nangyari sa Scneider ay hindi isolated case. Ibinunyag ni Maglunsod na sa welga ng mga manggagawa sa Ren Transport ay may naganap na tangkang pagpatay sa mga lider ng unyon at sumusuportang manggagawa dito.

Kamakailan lamang, nakaligtas si Leandro ’Doods’ Gerodias, tagapangulo ng Association of  Democratic Labor Organizations (ADLO-KMU) sa tangkang pananaksak sa kanya ng mga binayarang goons ni Nilo Pazcoguin, may-ari ng Ren Transport malapit sa piketlayn ng kumpanya sa Banlat, Tandang Sora. Kasabay nito, hinahunting din diumano ng mga goons si Nestor Fulminar, tagapangulo ng Samahan ng mga Manggagawa sa Ren Transport (SMART-ADLO-KMU) upang siya’y patayin nang lumikha ng demoralisasyon sa mga nagwewelgang obrero.     

” Kinokondena namin ang lahat ng porma ng pandarahas sa lahat ng mga manggagawa. Darating ang araw  na makakamtan din namin ang katarungan at ito’y ibubunga ng sama-samang pagkilos ng lahat ng anakpawis at lahat ng aping uri at sektor sa ating lipunan, ” pagwawakas ni Maglunsod. ###

BALITA

Setyembre 15, 2005

Sa pagpigil sa mga estudyante sa pagsali sa rali

DepEd, ‘jurassic’ kung mag-isip  -- KMU

Jurrassic kung tawagin ng militanteng grupong Kilusang Mayo Uno (KMU) ang Department of Education (DepEd) sa pag-iisyu nito ng memorandum noong Setyembre 14 ni DepEd Undersecretary Fe Hidalgo na nagbabawal sa mga estudyante at kaguruan na huwag sumama sa “partisan political rallies.”

Sinabi ni Nitz Gonzaga, kalihim ng kababaihan ng KMU, “na nangyayari lamang ito noong panahon ng martial law at ito ay tahasang represyon sa karapatan ng mga estudyante.”

Binira ng batikang lider-manggagawa ang DepEd sa pagsasabing walang matutunan ang mga estudyante sa rali at mapapahamak lamang ang mga ito sa pagsama rito, “Hindi ninyo mapipigilan ang aming mga anak na makiisa sa mga pagkilos dahil ang kahirapan sa bansa ay ramdam nila. Di hamak na mas maraming alam ang mga estudyanteng ito kaysa sa DepEd.”

Pinayuhan din ni Gonzaga si Hidalgo na umapela sa kamay na bakal ng gobyerno na pasista sa hinaing ng mamamayan para pigilan ang pag-atake sa mga demokratikong pagkilos, “Ang gobyernong ito ang naglalagay sa panganib sa mga estudyanteng nagrarali.”

Tinawag ding ipokrita ni Gonzaga si Hidalgo sa pagsasabing hindi dapat mapulitika ang mga estudyante, “Wala bang tiyan na nagugutom ang mga batang ito at hindi ba nanganganib na matigil silang mag-aral dahil walang badyet sa edukasyon at wala namang makatarungang pasahod ang mga magulang nilang manggagawa? Kahit ang pagbabawal mo, Undersec Hidalgo, sa mga estudyante sa pagpunta sa rali ay pulitika!”

E-VAT, ‘wrong timing’ talaga

Iginiit naman ni Presto Suyat, Tagapagsalita ng KMU, na hindi kailanman magiging good timing ang implementasyon ng expanded value added tax (EVAT).

“Okey ang mga hakbang para i-postpone ang pagpataw ng EVAT sa langis at kuryente hanggang sa susunod na taon pero duda akong makakayanan ito ng taumbayan sa anumang panahon kung walang makabuluhang pag-unlad sa kabuhayan ng maliliit na Pilipino,” diin ni Suyat.

Tinatayang 125 konggresista ang pumirma na sa House Joint Resolution No.12 na nag-ootorisa sa Pangulo para ibalam ang imposisyon ng VAT sa langis at kuryente hanggang Hunyo 1, 2006.

“Kitang-kitang gusto lang nilang pigilan ang pagkilos at pagrarali  ng taumbayan pero hindi ang ugat nito,” pagtatapos ni Suyat. ###

posted by: KMU at 04:12 | link | comments (1) |

Wednesday, 14 September 2005

Welgang Transportasyon noong Setyembre 12

Mga kuha ni Junrex




Ika-18 beses nang nagtaas ang presyo ng langis sa taong ito nang ilunsad
ng PISTON-KMU ang welgang transportasyon.




Kalookan mass-up center: Mga drayber na sumama sa welgang transportasyon




Hinihiling ng mga drayber ang pagbasura sa Oil Deregulation Law
at EVAT.



Nakiisa ang iba't ibang sektor sa welgang transportasyon



Sigaw ng bayan: Pacquio, Panalo!; Gloria, Talo!



Panawagan din ng mga drayber ang pagpapatalsik sa gobyernong Arroyo
na inutil sa walang humpay na pagtaas sa presyo ng langis

posted by: KMU at 06:00 | link | comments (1) |

BALITA

Setyembre 14, 2005

Gloria, niluluto ang Cha-Cha

Amoy na amoy ang malansa na namang niluluto sa kusina ng Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo anang militanteng mga kababaihang manggagawa.

Sinabi ni Nitz Gonzaga, kalihim ng mga kababaihan ng KMU, na ang napapabalitang pagkuha ng pangulo ng Venable, isang lobby firm na nakabase sa US ay walang ipinagkaiba sa pagbukas ng ating konstitusyon sa dayuhang interbensyon.

Binira rin ng batikang lider-manggagawa ang paggasta ng pamahalaan ng $75,000 bilang retainer’s fee ng Venable bukod pa sa ibang pantustos, “Walang pera para sa serbisyo publiko tulad ng kalusugan at pabahay pero mayroon siyang panhandang magarbo para sa mga dayuhang alipores.”###

Economic blueprint ni Gloria, economic disaster sa mga obrero

Duda ang KMU na makakatulong ang economic blueprint ng Pangulo para bigyan ng tulak-pataas ang ekonomiya ng bansa.

 

Sinabi ni Joselito Ustarez, Pangalawang Tagapangulo ng KMU, na imposibleng maambunan ng pag-asenso ng mga layunin na itinakda ng kasalukuyang administrasyon para sa susunod na anim na buwan ang taumbayan lalo na sa implementasyon ng expanded value-added tax (VAT). Ang dalawa pa sa layuning itinakda ay ang pagbubukas ng Ninoy Aquino International Airport Terminal III at ang expansiyon ng South Luzon Expressway.

 

Inakusahan ni Ustarez ang pangulo sa tahasang pambabalewala sa hinaing ng taumbayan lalo na ng sektor ng manggagawa, “Alam naming laging inuuna ng gobyernong ito ang interes ng mga nasa business sector at naisasagilid lamang ang interes naming mga manggagawa.”

 

Aniya, patunay dito ang economic blueprint ng pangulo na pinagtibay sa pakikipag-usap nito sa iba’t ibang business figures hinggil sa consensus sa pagbibigay ng prayoridad sa ekonomiya. Pero ang totoo, aniya, disaster naman sa kabuhayan ng maliliit na Pilipino.###

 

 

KMU, nanawagan para sa patas na paglilitis kay Aguilar

Nanawagan naman ang KMU sa Department of Foreign Affairs para bilisan nito ang pag-asiste kay Guen Garlejo Aguilar, isang domestic helper na suspek sa pagpatay sa kapwa-Pilipinong si Jane Parangan La Puebla sa Singapore.

Sinabi ni KMU Spokesperson Presto Suyat na dapat magkaroon ng patas na paglilitis si Aguilar para malaman ang tunay na pangyayari sa likod ng pagkakapatay kay La Puebla.

Binatikos ni Suyat ang kabagalan ng gobyerno sa pagiging isang linggo nang incommunicado ni Aguilar nang walang abugado, “Huwag sanang isa na namang Flor Contemplacion ang magiging katapusan ng pangyayaring ito.”

Sinabi rin ni Suyat na dapat asistihan ng gobyerno ang mga pamilya nina Aguilar at La Puebla.###

 

 

 

posted by: KMU at 03:56 | link | comments |

Tuesday, 13 September 2005

BALITA

Setyembre 13, 2005

KMU, namuno sa transport strike, hindi nakisawsaw lang

Ermita, kasamang papatalsikin ng mga obrero

Binira ngayong araw ng sentrong unyon na Kilusang Mayo Uno (KMU) si Executive Secretary Eduardo Ermita sa pagsasabi nitong nakikisawsaw lang ang KMU sa transport strike.

Ayon kay KMU Secretary General Joel Maglunsod na hindi nakikisawsaw ang KMU sa halip ay siyang namumuno sa pambansang protesta ng mga tsuper, “Halatang walang alam itong si Ermita dahil ang PISTON ay miyembrong organisasyon ng KMU.”

Sinabi rin ni Maglunsod na ang transport strike  ay isinusulong ng taumbayan hindi lamang sa interes ng mga tsuper kundi sa interes ng lahat, “Lahat tayo apektado sa usapin ng walang humpay na pagtaas ng presyo ng langis at pagkagahaman ng lokal na kartel nito dahil ang kakarampot na sahod ay hindi na mapagkasya. Sa gitna nito, wala namang makabuluhang sahod ang ibinibigay sa mga manggagawa sa kabila ng matagal nang hinihiling na umentong P125 across-the-board, across-the-country.”

Ipinaliwanag pa ni Maglunsod na maging ang mga manggagawa sa publikong sektor ay nakiisa sa transport strike dahil katulad ng mga kapatid na manggagawa sa pribadong sektor ay hindi pa rin nakakamit ang hiling na umentong P3,000.

“Sa halip na sagutin ang mga isyu na inihahayag ng mga sektor na sumama at nakiisa sa transport strike, kung anu-ano na lamang ang sinasabi ng palasyo,” susog pa ni Maglunsod.

Iginiit din ng lider-manggagawa na hindi na kailangan pa ng pangulo ng negative publicity para bumagsak ang rating nito sa sari-saring inilalabas na sarbey bilang sagot sa birada ni Presidential Management Staff head Rigoberto Tiglao na misleading ang mga ito.

“Bagsak ang kabuhayan ng taumbayan at dapat ito ang sinasagot ng mga tagapagsalita ng gobyernong ito, “ ani Maglunsod.

KMU, nakiramay sa pagkamatay ni Haydee Yorac

Nagpaabot naman ng pakikiramay ang KMU sa pamilya ni Haydee Yorac na pumanaw sanhi ng kidney failure kaninang madaling-araw sa St. Francis Hospital sa Chicago.

Sinabi ni Joselito Ustarez, Pangalawang Tagapangulo ng KMU, na kaunti lamang ang tulad ni Yorac sa gobyerno na nakipaglaban para sa katotohanan at kagalingan ng taumbayan.

Binanggit ni Ustarez ang masugid na pamumuno sa Commission on Elections (COMELEC) at Presidential Commission on Good Government (PCGG) ni Yorac. Pinakahuli nitong inilaban ang Coco Levy Fund at ang sapi (shares) ng gobyerno sa San Miguel Corporation laban kay Danding Cojuangco. ###

 

posted by: KMU at 08:20 | link | comments |

 

NEWS RELEASE

September 12, 2005

 “Power rate rollback not enough, oil price hikes must stop and Malacanang must end coddling local oil cartel

“Workers say enough of oil price hikes, enough of Gloria”

The militant labor center Kilusang Mayo Uno (KMU) today said that efforts of power distributor Manila Electric Company (MERALCO) to rollback power rates is not enough to appease the public demanding for an urgent stop to abusive oil price hikes imposed by Shell, Caltex, Petron and new oil players. Both power rates and oil prices will automatically increase once the Expanded Value Added Tax takes effect in the coming days. “We welcome Meralco’s efforts but we still press for sufficient rollback in prices of petroleum products. The decrease in power rates is actually long overdue. The upcoming Meralco rate rollback is actually a result of the people’s struggle against high prices of public utilities and services,” said KMU Chairperson Elmer Labog.

Strikes, protests successful

The strikes yielded positive feedback and support from thousands of drivers, commuters and people nationwide. “We have estimated a general transport paralysis of 80-90% in Metro Manila and major urban centers as of lunch time today. Some regions will continue their strikes and tigil pasada until tomorrow,” said Labog. 

“Because of Malacanang’s patronage to foreign oil companies and the oil deregulation law, oil companies are always free to increase their prices at any rate and time they want. The nationwide strikes and protests today are clear indicators of the people’s discontent over Arroyo’s failure to address excessive oil prices. Over the years, the local oil cartel had been maneuvering the prices of petroleum products. This year alone, prices of local diesel and gasoline jacked up by more than P8 per liter. From 2001 up to present, a total of P18.50 worth of oil price hikes took effect under Arroyo’s rule. That is too much compared to the P13.50 per liter prices of oil prices before Arroyo took over the presidency. We say enough of oil price hikes, enough of Gloria,” the labor leader stressed.

Labog also expressed thanks to those who supported and showed sympathy to the strike. “A day of sacrifice is nothing compared to the daily burden brought about by excessive prices of commodities and petroleum products. The people are suffering too much from this situation and we want to see concrete actions from Malacanang on this matter. But Mrs. Gloria Macapagal-Arroyo will not do anything about the high oil prices as she is beholden to foreign oil companies.”

“As Arroyo leaves tonight for the UN Security Council Meeting in New York, we want her to keep in mind that the people will not stop struggling to remove her from power. This strike is our send-off for her. We will prepare another round of protests to welcome her back next week,” Labog concluded. ###

posted by: KMU at 03:03 | link | comments (2) |

Sunday, 11 September 2005


Balita

Setyembre 11, 2005

 
Tuloy ang laban, tuloy ang welga bukas -- KMU

Hinihiling namin ang suporta ng publiko sa pambansang welgang transportasyon bukas. Welga na lang ang paraan ng taumbayan para maipakita ang pagkasuklam natin sa sobrang pagtaas ng presyo ng langis.

“Nagtaas na naman ng 50 sentimos kada litro ang presyo ang Shell, Caltex, Petron at mga new oil players. Kung sakali, pang 18 pagtaas na ito ngayong 2005. Sobra na ito, hindi na ito katanggap-tanggap at lubhang nakakagalit na wala man lang ginagawa ang Malakanyang,” ani KMU Chairperson Elmer Labog.

Nakatakdang sumama sa welga ang mga tsuper ng PISTON-KMU at iba pang kaalyadong grupo nito sa transport. Magkakaroon din ng pagkilos sa mga sentro ng protesta sa Cubao, Monumento, Alabang, Kamias-Kalayaan, Pier-South Harbor, Taytay-Rizal, Novaliches Bayan, Pasay-Baclaran, Commonwealth at mahigit pang 48 ruta sa mga lansangan ng Metro Manila.

“Sa lahat ng nakikisimpatya sa pagtutol sa sobrang mataas na presyo ng langis, inaanyayahan namin kayo na maglunsad ng lahat ng porma ng protesta at paglaban. Panahon na para turuan ng leksyon ang mga kumpanya ng langis,” giit naman ni KMU Spokesperson Presto Suyat.

“Lalo pa ngayon na inspirado ang mga drayber na lumaban sa mga welga dahil panalo ang idolo nilang si Manny Pacquiao sa laban niya kay Velasquez. Ganito rin ang laban ng mamamayan sa mga kumpanya ng langis. Sa huli, taumbayan pa rin ang panalo basta’t parehas ang laban. Hindi gaya ni Gloria na nanalo dahil sa pandaraya,” ani pa ni Suyat. ###

Media Advisory

MGA ISKEDYUL:

Setyembre 11 (Linggo) - 5PM sa WELCOME ROTONDA, Noise Barrage at countdown sa welga.

Setyembre 12 (Lunes) –  Protesta sa mga sentro ng ruta sa Cubao, Monumento, Alabang, Kamias-Kalayaan, Pier-South Harbor, Taytay-Rizal, Novaliches Bayan, Pasay-Baclaran, Commonwealth at iba pa.

posted by: KMU at 06:02 | link | comments |

Saturday, 10 September 2005

Mga nakawelgang manggagawa ng Ren Transport
Mga nakawelgang manggagawa ng Ren Transport
____

Sa ilalim ng tumpok ng basura
Kalagayan ng mga manggagawa sa REN Transport

Unang beses ko noong nakasakay sa dump truck. Hapon at naghintay kami ng biyahe para sa Payatas na kami ibaba ni Mang Nestor kung saan
siya nakatira kasama ng kanyang pamilya. Sa ganitong paraan nakakatipid sa pamasahe ang mga tulad niya o di kaya para sa mga araw na katulad noon, walang pamasahe dahil sa hirap na kalagayan ng mga manggagawa sa Ren Transport.

Noong Agosto 25, 2005, ipinutok muli ang welga ng mga manggagawa sa Ren Transport dahil naniniwala silang sa pamamagitan nito at ng sama-sama at organisadong pagkilos lamang nila maipaglalaban ang makatarungan nilang hinaing.

Labing-isang taon nang drayber sa Ren si Mang Nestor Fulminar, 45 taong gulang, tagapangulo ng unyon na Samahan ng mga Manggagawa sa Ren Transport sa ilalim ng Alliance of Democratic Labor Organization - Kilusang Mayo Uno (SMART-ADLO-KMU).

Dinatnan namin sa kanyang munting tahanan sa Payatas ang kanyang pamilya. Tatlong maliliit na babae ang kanyang mga anak. Biglang sumagi sa isip ko kung anong naghihintay na bukas para sa mga anak ng isang basurero.

Kuwento ni Mang Nestor, noong wala pang unyon sa kompanya, umaabot lamang ang suweldo ng P160. Nang magkaroon ng unyon, sa kanilang CBA (Collective Bargaining Agreement), nakakuha sila ng P80 umento sa loob ng limang taon. Sa ngayon, umaabot na sa P256 kada biyahe ang sahod ng mga drayber. At kapag dalawang beses ang biyahe sa isang araw, aabot ito ng P512 kada araw. Sa mga pahinante o palero (tagapala ng basura), dati’y pumapatak lamang sa P70 ang sahod. Sa kasalukuyan, umaabot sa P156 kada biyahe ang sahod sa lugar ng San Juan at Malabon o P312 kapag nakadalawang biyahe sa isang araw.

Sa katotohanan, madalang mangyari ang dalawang biyahe sa isang araw. Nagbabawas diumano ang manedsment ng biyahe para makatipid sila. Pero hindi lamang ito ang kinakaharap na suliranin ng mga manggagawa sa Ren.

Buhay-basurero, basurang trato
Enero ng taong ito nang muling magbawas ng mga manggagawa ang Ren. Hindi ito bago sa mga ginawa ng manedsment. Mula 1500 na manggagawa mula sa maintenance, mga drayber at pahinante, ngayon ay aabot na lamang sa higit sa 600 ang natitira. Tanggalan din at iba pang isyu ang nag-udyok ng welga noong Setyembre nang nakaraang taon para igiit ng mga manggagawa ang kanilang karapatan.

Kuwento ni Mang Nestor, laganap ang diskriminasyon sa Ren. Napipilitan mag-AWOL (absence without official leave) ang mga manggagawa. Kapag nasira kasi ang yunit o sasakyang ginagamit sa paghakot ng mga basura, hinahayaan lang ito ng manedsment imbes na kumpunihin o palitan. Ang resulta , nananatiling naka-hang o nakabitin ang mga manggagawa.

“Kapag ikaw ay mainit na sa manedsment hindi ‘yan (trak) ipapagawa habampanahon kaya wala ka ring trabaho. Ang sinasabi antayin mo na magawa ang iyong yunit,” paliwanag ng tagapangulo.

Aniya, wala ring matatanggap na shop rent kapag ang isang manggagawa ay nasiraan ng yunit at walang biyahe. Sa batas, dapat may konsiderasyon. Kung magkano ang sahod sa isang araw, hahatiin iyon at ibibigay na alawans. Pero hindi iyon nangyayari.

Dalawang taon na ring hindi nare-remit ang kontribusyon ng mga manggagawa sa SSS (Social Security Service). Sapantaha ng SMART, may sabwatan ang kompanya at SSS.

"May alagang empleyadong mataas para matabunan ang isyu at ‘di maobliga ang kumpanya,” bulung-bulungan sa hanay ng mga manggagawa. Hindi sila masisi sa pag-iisip noon.

Hindi rin naibibigay ang vacation leave na nakasaad sa CBA ng SMART. Naipatupad lamang ito diumano noong 2000-2002. Kalahati pa nga lang ang ibinigay noong 2002. Pagdating ng sumunod na dalawang taon ng CBA, hindi na naibigay lahat, kahit ang sick leave ay hindi kumpleto.

Maging ang pagpapaospital at iba pang benepisyo ay hindi rin naibibigay. Wala ring naibibigay na safety devices tulad ng bota, gas mask, guwantes, at reflector.

Ilan pa sa mga isyu ng mga manggagawa sa Ren ang mga sumusunod: pagbawas ng araw ng maintenance mula anim hanggang apat na araw; pagkaantala ng suweldo; hindi makatwirang halaga ng separation pay; at pagbabawas sa 13th month pay.

Hindi rin ibinibigay ng manedsment ang ECOLA (emergency cost of living allowance) mula noong 2001. Nagpasa ng eksempsiyon ang manedsment sa DoLE (Department of Labor and Employment) kung saan nakasaad na wala itong kakayahang magbigay ng ECOLA. Napagbigyan ng DoLE ang kahilingan na malibre ang kompanya sa pagbibigay nito sa loob ng anim na buwan. Pero makalipas ang anim na buwan hanggang ngayon, wala pa ring ECOLA.

Maski ang palimos na P25 umentong kabibigay lamang ay hindi rin naipapatupad. Hindi maalis sa isip ng mga manggagawa, paano nga namang hindi maibibigay ng manedsment ang ECOLA at P25 umento gayong milyun-milyon ang kinikita nito sa kontrata sa San Juan, Muntinlupa, Malabon at Caloocan?

“Nalulugi?” tanong ni Mang Nestor. Hindi na bago ang litanyang ito ng mga kapitalista kapag humihiling ng disenteng pasahod ang mga manggagawa.

Aniya dapat may dokumento na inilalatag ang manedsment hinggil sa kalagayan pampinansiya ng kompanya, para mapatunayan ang pagkalugi nito.

Duda si Mang Nestor sa pagkalugi ng kompanya, na pinakamalaking kompanya sa pagseserbisyo ng basura.

“Ang pinagkakagastusan lang ng Ren ay ang pangangailangan sa sasakyan, langis, gulong at iba pang piyesa. Hindi ito gumagawa ng produkto para malugi sa kabila ng pagkawala ng kontrata sa Makati at Parañaque,” sabi ni Mang Nestor.

Pagdurog sa unyon
Bilang hakbang upang durugin ang unyon, hinirang ng manedsment ang RTEA(Ren Transport Employees Union) sa kabila ito nang hindi pagpasok ng RTEA sa 60-days freedom period pagkatapos ng CBA noong Oktubre 2004. Kilala ang RTEA bilang organisasyon at unyon ng DoLE-NCR.

Paninindigan ng SMART, hindi unyong kumakatawan sa mayorya ng mga manggagawa ng REN para sa CBA ang RTEA. Ayon kay Mang Nestor, wala dapat mangyayaring anumang negosasyon sa kompanya at RTEA dahil hindi pa kinikilala ang bargaining agreement nito.

Ayon sa resolusyon ng SMART, labag sa batas ang ginawang pagkilala ng manedsment sa RTEA.

“Lumalabas na ang sabwatan ng estado sa pamamagitan ng DoLE at ng kapitalista ay talamak dahil ‘di sila sumusunod sa proseso na itinakda ng Labor code,” himutok ni Mang Nestor. Maliwanag umano na walang pag-asang manalo ang mga manggagawa kapag legal na usapin ang pinagbatayan.

Kaya’t giit ng lider-manggagawang tuluyan nang sumabak sa welga kasama ng iba pang mga basurero sa Kamaynilaan, “Magtatagumpay lamang ang uring manggagawa sa brasuhang laban.”

'Agaw-buhay' sa basura

Para maski papaano ay may maipandagdag sa pagkain ng pamilya, saydlayn ng mga manggagawa sa Ren ang bolase. Sabi ni Mang Nestor, “Kung titingnan mo ang basura, sa direktang pagtingin, marumi. Pero maraming nabubuhay diyan sa basura sa pamamagitan ng mga kalakal (bolase).”