pinilak ang pakikibaka ng mga manggagawa sa pangunguna ng Kilusang Mayo Uno (KMU)
BALITA
Oktubre 27, 2005
May rekord sa operasyon ng Death Squads sa Gitnang Luzon
Palparan, naghahasik ng lagim -- KMU
Sintomas ng malalang sakit sa utak ang pahayag ni Major General Jovito Palparan sa interbyu sa radyo na maaaring inspirasyon lamang siya ng mga salarin sa sunod-sunod na pagpaslang sa loob lamang ng 48 oras sa Gitnang Luzon ayon sa militanteng grupong Kilusang Mayo Uno (KMU).
Ayon kay Elmer Labog, Tagapangulo ng KMU, “Hindi ito pahayag ng matinong tao. Alam namin na siya ang nagdisenyo ng mga pagpaslang na inihahasik sa Nueva Ecija, Tarlac, Pampanga at Bulacan. Siya mismo ang ulo ng mga berdugo.
Kinondena ni Labog ang pinakabagong pagpaslang kay Federico De Leon, miyembro ng Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Opereytors Nationwide (PISTON), organisasyon ng mga tsuper na miyembro ng KMU. Pinagbabaril at napaslang si De Leon sa Malolos, Bulacan kagabi habang namamasada ng traysikel. Apat na tama ng baril ang tinamo ni De .
Isa lamang si De Leon sa biktima ng serye ng mga paspaslang. Noong gabi ng Oktubre 25, inisnayp at napatay si Ricardo Ramos, Tagapangulo ng Central Azucarera Labor Union (CATLU) sa Hacienda Luisita sa Tarlac. Kahapon, pinaulanan ng bala at napatay si Francisco Rivera ng Bayan Muna kasama
Sinabi ni Labog na walang “moral ascendancy” si Palparan para sabihing baguhan lamang siya sa Gitnang Luzon. Aniya, may rekord na si Palparan nang maging provincial commander ito ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Pampanga noong 1987-1993 sa pagpaslang ng mga unyonistang sina Raul Quiroz at Simplicio Aninon. Biniktima rin diumano ng death squads
Nanawagan ang KMU sa Commission on Human Rights (CHR) na magkaroon ng gulugod sa harap ng laganap na pagpaslang sa mga militante,
“Dapat na kalkalin ang malaking disenyo ito ng pagtumba sa mga kontra sa mga polisiya ng gobyerno ni Gloria Macapagal-Arroyo.”###
BALITA
Oktubre 27, 2005
Countdown sa gutom ng taumbayan
Doomsday sa pagdating ng EVAT -- KMU
Doomsday para sa taumbayan ang implementasyon ng Expanded Value Added Tax (EVAT) sa Nobyembre 1 ayon sa militanteng grupong Kilusang Mayo Uno (KMU).
Sinabi ni Nitz Gonzaga, kalihim ng departamento ng kababaihang manggagawa, “Higanteng pahirap ito sa ordinaryong mamamayang naghihikahos sa gitna ng walang humpay na pagsirit ng presyo ng langis at pangunahing mga bilihin at serbisyo.”
Ayon sa pag-aaral, kapag naipatupad na ang EVAT ay tataas ang unleaded gasoline ng P3.40, regular gas ng P2.85, diesel ng 93 sentimo, kerosene ng P2 at P35-P45 sa presyo ng liquefied petroleum gas (LPG). Tataas din ang singil sa kuryente ng 60-70 sentimo kada kilowatthour.
Ipinaliwanag ni Gonzaga na sa pagtaas ng production cost sa mga pabrika ay susunod naman ang serye ng pagtaas sa pangunahing bilihin at serbisyo. Aniya, gamit ang datos ng 2003 Family Income and Expenditure Survey (FIES), madaragdagan ng P224 ang utang ng pinakamahihirap na pamilya kada buwan “Kalunos-lunos ang epekto ng EVAT sa napakaliit na ngang sahod ng mga manggagawa. Malawakang gutom ang gustong ipataw ng gobyerno ng Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa mamamayan.
Binanggit ni Gonzaga na kung sa kasalukuyan ay 18% na ang nagugutom na Pilipino, tiyak na lolobo pa ito at baka matulad ang Pilipinas sa bansang Niger kung saan lumaganap ang kagutuman dahil sa EVAT na itinulak din doon ng International Monetary Fund – World Bank (IMF-WB).
NEWS RELEASE
Urban and rural poor sectors united vs. Arroyo dictatorship
“EVAT is another calibrated way to kill the people” -- KMU
Militant labor center Kilusang Mayo Uno (KMU) said that Malacanang must scrap its calibrated preemptive response to anti-Arroyo rallies and demonstrations and as well as the Expanded Value Added Tax (EVAT) that will further burden ordinary Filipinos and workers.
“EVAT is one of the reasons why we are continuously protesting against Arroyo. This regressive tax measure will only bring further political and economic chaos. EVAT is another calibrated way of killing the people as it will result to automatic increase in prices of goods, services and utilities. An average of 12 percent sales tax will be added to current prices once EVAT takes effect on November 1”
“There is no truth to Malacanang’s claim that the EVAT will not distress ordinary consumers once new taxes take effect on petroleum products. This early, oil companies have announced to impose another round of price hikes due to EVAT. Even producers are determined to pass on the effect of EVAT on their industries to consumers.”
KMU Chairperson Elmer Labog said they are more alarmed with the disastrous effect of EVAT on the labor sector. “We share Senator Mar Roxas’ concern on the EVAT’s effect on the domestic employment. EVAT will be another cause of massive retrenchment and flexible labor.”
“For all we know, EVAT collections will only go to the corrupt government officials. Only Gloria and his ilk will benefit from EVAT as it is expected to become a big time money making system for Arroyo.”
Labog said workers are all set for the big mobilization in
Tomorrow, militant groups and anti-Arroyo forces will march to Mendiola to demand the immediate ouster of the repressive corrupt and burdensome Arroyo government. ###
BALITA
Oktubre 20, 2005
Bunye, maghahasik ng CPR sa midya
Maghahasik ng calibrated preemptive response (CPR) sa midya si Presidential Spokesperson Ignacio Bunye bilang bagong “media czar” ayon sa militanteng sentrong unyon na Kilusang Mayo Uno (KMU). Napaulat na hinirang si Bunye para pamunuan ang bagong itatayong departamento sa Malakanyang na Presidential Communications Group (PCG) na papalit sa binuwag na Office of the Communications Director (OCD).
Ayon kay Joselito Ustarez, Pangalawang Tagapangulo ng KMU, “Halatang bersyon ng CPR sa mga rali ang ipapatupad ng bagong departamento. Tiyak na ito ang sasala sa mga pahayag na kontra sa gobyernong Arroyo sa print man o sa radyo at telebisyon.’
Sinabi pa ni Ustarez na katumbas ang magiging gawain ni Bunye ng “Big Brother” strategy ng Malakanyang sa mga raliyista kung saan maglalagay ng surveillance camera sa
Nagbabala naman ni Presto Suyat, Tagapagsalita ng KMU, kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Vidal Querol laban sa pagpapakalat ng mga intelligence officers sa mga rali.
Ani Suyat, “Pinupulis namin ang aming hanay para makasiguro na walang gulo. Didisarmahan namin ang mga ahente ng intelligence na planong mag-infiltrate sa aming hanay.”
Binatikos din ni Suyat ang pahayag ng kapulisan na may kasamang mga rebeldeng New People’s Army (NPA) ang Sakbayan at Lakbayan mula sa
BALITA
DOJ walang silbi sa pagresolba sa mga kaso ng pagpaslang at panunupil
“Katarungan para sa mga biktima ng Martial Law ni Gloria” -- KMU
Sumugod ngayong umaga sa opisina ng Department of Justice (DOJ) sa Maynila ang mga manggagawa ng Kilusang Mayo Uno para kondenahin ang ahensya sa mabagal nitong pagtugon sa mga kaso ng pagpaslang at panunupil sa mga lider ng kilusang paggawa at sa mga unyon.
Pinangunahan ng
Ayon kay Dennis Maga, Secretary General ng ANGLO-KMU araw-araw humahaba ang listahan ng mga napapaslang na manggagawa at lider ng progresibong organisasyon ngunit walang tugon ang ahensya ni Sec. Raul Gonzales. Pinakahuling biktima ng pamamaslang si Flor Collantes, lider ng Bayan Muna Tarlac at dating manggagawa ng Ford . Pinaslang siya sa kanyang bahay sa Bgy. Tuec, Camiling, Tarlac noong Oktubre 15 ng mga armaduhang nakamotorsiklo.
Umaabot na sa 13 ang manggagawang napapatay ngayong taon samantalang mahigit walong libong manggagawa na ang nabiktima ng iba’t-ibang karahasan sa loob at labas ng mga pabrika at sa mga piketlayn.
Nagprotesta rin ang grupo sa mga patakaran ng Calibrated Preemptive Response o CPR pati na ang Executive Order 464 at ang pinakabagong Executive Order 454 na sumisikil naman sa kalayaan sa pamamahayag at gumigipit sa mga kasapi ng media. Ani Maga, ang mga numerong 464, 454 at 880 ay sumisimbolo sa ‘numero ng diablo’ na ngayon ay kinakatawan ng berdugong gobyerno ni Arroyo.
Samantala, hiniling naman ng Pro-Labor Legal Assistance Center (Pro-Labor) sa Korte Suprema ang pagbabasura sa Batas Pambansa 880 o No Permit, No Rally Policy. Ayon kay Atty. Nitz Mahinay, labag sa batas ang BP880 at walang karapatan ang gobyerno na pigilan ang anumang malaya at mapayapang pagtitipon ng taumbayan.
Opisina ng Bayan Muna Tarlac, sinunog ng mga tauhan ni Palparan
Gayundin, kinondena ng KMU ang ginawang panununog sa opisina ng Bayan Muna Party List-Tarlac sa Sitio Buno, Barangay Matatalahib, Tarlac City kanilang madaling araw. Ayon sa mga saksi, mahigit 10 kalalakihan armado ng matataas na kalibre ng baril ang may gawa ng panununog. Nakasuot pa umano ng bonnet at nakasakay sa motorsiklo ang mga suspek. Nagkataon na nasa burol ni Collantes ang mga istap at kasapi ng Bayan Muna sa Tarlac.
Ayon sa mga inisyal na imbestigasyon ng Bayan Muna, binuhusan ng gasolina at hinagisan ng molotov ang opisina nito sa Tarlac. Nasunog ang terrace ng opisina, wala namang naiulat na nasugatan sa insidente.
Ayon naman kay Presto Suyat, tagapagsalita ng KMU, tiyak na may kinalaman dito ang berdugong heneral na si Brig. Jovito Palparan dahil sa istilo ng operasyon nito. Mula sa
Mula nang maideploy si Palparan sa
NEWS RELEASE
Final destination on October 21: Mendiola
Militants from Southern Tagalog,
Militant labor center Kilusang Mayo Uno said there’s no stopping the Lakbayan ng Mamamayan protest caravan that will culminate in a protest of thousands of farmers, workers, church people, civil libertarians, members of the opposition and other poor sectors in
Contingents from provinces of Laguna, Batangas, Quezon,
Militants from highly-militarized
The Lakbayan ng Mamamayan para sa Lupa, Sahod, Trabaho at Karapatan showcases the main issues of rural and urban poor people including landlessness and poverty in the countryside, lack of jobs for workers, very low wages, severe violation of human rights, heavy militarization and campaigns of suppression carried out by the Arroyo government against the people. Protesters started their march yesterday in Quezon and are now in Laguna. They are expected to reach
On Wednesday, workers from the National Capital Region will welcome the Lakbayan protest caravan participants from Southern and
Journey of ‘Lakbayanis’
The Lakbayan ng Mamamayan is a yearly protest activity done to celebrate the peasant month of October and to condemn the enacting of the Presidential Decree 27 or the Land Reform law passed during the Aquino regime. Lakbayan participants, better known as “Lakbayanis” or Lakbayan heroes always find inventive ways to slip pass blocks set up by police, military and local government units along their way.
Baculo likewise condemned the continued harassment of trade unions in Southern Tagalog particularly those located in industrial parks and enclaves that houses the largest foreign multinational corporations in automobile, steel, pharmaceutical, food and beverage, manufacturing and garments industries.
She noted that the Region IV Philippine National Police (PNP) are doing regular surveillance of trade union leaders affiliated to KMU. “The military and police are keeping the dossiers of prominent Southern Tagalog based labor leaders at Camp Vicente Lim. They have a surveillance operation of the activities led by PAMANTIK’s and other militant organizations in the region. ###
BALITA
Oktubre 16, 2005
Sa kusina ni Gloria
Gag order sa midya, huling sangkap ng nilulutong emergency rule
-- KMU
Nagrehistro ng pagkabahala ang militanteng grupong Kilusang Mayo Uno (KMU) sa napapaulat na gag order sa midya bilang susunod na hakbangin ng Malakanyang.
Sinabi ni Nitz Gonzaga, kalihim ng departamento ng kababaihang manggagawa, hindi lang tiniis ng Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ang init sa kanyang kusina, nagawa pa, aniya, nitong magluto ng Executive Order 464, calibrated preemptive response (CPR) at ngayon naman ay ang nakakabahalang gag order sa midya.
Ayon sa mga ulat, nasa surveillance list ang ilan sa mga reporter at editors mula sa mga tabloids, broadsheets at ilang mga komentarista sa radyo. Target diumano ang mga ito ng pag-aresto sakaling ibaba na ang martial law o emergency rule.
Sinabi ni Gonzaga na hindi nakakapagtakang iniisa-isa ng palasyo ang mga sangkap sa nilulutong emergency rule dahil inaasahan na nito ang malaking pag-alma mula sa iba’t ibang sektor, “Pero kapag may niluluto ka, hindi maiiwasang maamoy ito ng mga kapitbahay kaya may leakage ang mga
Sinabi naman ni Presto Suyat, Tagapagsalita ng KMU, “Napapanahong organisadong labanan ito ng midya. Totoo man o hindi ang gag order, nandiyan ang mga kondisyon at senyales na nagsasabing maaari nga itong mangyari.”
Sinabi rin ni Suyat na patuloy din ang surveillance sa mga lider ng mga progresibong organisasyon na kritiko ng gobyerno at kasabay nito ang di-matapos tapos na pagpaslang sa mga tagasuporta at miyembro ng mga organisasyong tulad ng KMU.
Aniya, kung nagagawa ang dispersal gamit ang water cannons sa mga personahe tulad ng dating bise-presidente Teofista Guingona at ilang mga Obispo, hindi na malayong mangyari ang gag order sa midya.
Iginiit pa ni Suyat na sa hanay ng mga manggagawa, kinikilala ang papel ng midya para maipahayag ang di-pantay na trato sa paggawa na nararanasan sa kamay ng mga kapitalista at ng gobyerno. Aniya, tiyak na lalong mawawalan ng tinig ang mga manggagawa kapag naipatupad ang gag order sa midya.###
BALITA
Oktubre 15, 2005
Welga tumaas ng 32%
CPR ipinatutupad sa mga piketlayn
Pinabulaanan ngayong araw ng militanteng grupong Kilusang Mayo Uno (KMU) ang pahayag
ng Department of Labor and Employment (DOLE) na nananatiling istable ang klima ng relasyong industriyal.
Ayon kay Elmer Labog, Tagapangulo ng KMU, “Kahit ang datos ng National Conciliation
and Mediation Board (NCMB) ay nagsasabing tumaas ng 32% ang welga at tumaas din
ng 80% ang bilang ng apektadong manggagawa kumpara noong nakaraang taon.”
Sinabi ni Labog na lalo pang iigting ang kilusang welga dahil ito ang tanging sandata ng mga manggagawa
laban sa di pantay na patakaran sa paggawa kasabay ng represyon pulitikal at lumalalang kahirapan
dulot ng patuloy na pagsirit ng presyo ng langis at dispalinghadong programa ng gobyerno sa trabaho.
Nagrehistro ng pagkabahala si Labog sa paggamit ng calibrated preemptive response (CPR) laban sa
8,137 manggagawa na nakawelga sa unang siyam na buwan ng taong kasalukuyan. Sinabi ni Labog na marami
na sa mga ito ang nakaranas ng kamay na bakal sa piketlayn.
Sinabi ni Labog na rekord na ng Pangulong Arroyo ang paggamit ng CPR. Binanggit ni Labog
ang datos mula sa Center for Trade Union and Human Rights (CTUHR) na mula noong 2001
ay nakapagdokumento ng 833 kaso ng paglabag sa karapatang pantao at pang-unyon ng tinatayang
32,022 manggagawa. Aniya, 26% nito ay mga pag-atake sa piketlayn habang 14% ang mga iligal
na pag-aresto at detensyon.###
NEWS RELEASE
PNP reincarnates Martial Law’s Metrocom
KMU condemns police brutality in violent dispersals of anti-Arroyo rallies; asks NCRPO Chief Director Vidal “Liar” Querol and other PNP officials to resign
Labor center Kilusang Mayo Uno (KMU) strongly condemns the violent dispersal of the prayer rally last night that included former Vice President Teofisto Guingona, Bishops from the Kilusang Makabansang Ekonomya (KME) and other members of the political opposition.
The labor group also demanded the resignation of NCRPO Chief Director. Vidal “Liar” Querol who claimed that the use of water cannon was ‘accidental’ and that the police did not intended to hose down the procession rally. Querol, Manila Police District (MPD) Supt. Bernard Diaz and other MPD and NCRPO officials must resign immediately.”
“May lightning strike Gen. Querol for lying to his teeth about the police brutality exhibited by the PNP, Special Action Forces and SWAT during the violent dispersal of the KME prayer rally last night. He cannot claim that the dispersal was accidental. The police also used water cannons to disperse the rally of youth and students in Recto last Wednesday. Last night, the police aimed the water hose to unarmed, non-resisting protesters. Without doubt, the PNP now reincarnates the same brutality of Martial Law’s Metropolitan Command or Metrocom,” said KMU Chairperson Elmer Labog.“
Labog said that in the 1960’s, Marcos used the Metrocom to violently disperse demonstrators rallying at Mendiola and areas near Malacanang to protest against Marcos’ support to the United States-led Vietnam War and the severe economic and political crisis in the country. “With the daily dispersals of anti-Arroyo rallies, the PNP now affirmed its role as the chief defender of the US-Macapagal-Arroyo dictatorship.”
“It’s like Days of Disquiet and Nights of Rage all over again”, said Labog, referring to the book written by Martial Law activist Pete Lacaba under the pen name Quijano de Manila which accounted the daily dispersal of people’s demonstrations during the early years of Marcos’ regime up to the First Quarter Storm of 1970. “For sure, we can expect for more condemnation and protests nationwide against Arroyo’s Martial Law. We must not let another dictatorship reign. We must resist Arroyo’s tyranny and work for her immediate ouster,” the labor leader concluded.” ###
BALITA
Oktubre 13, 2005
“Mga death squads nagkalat, modus operandi ng mga ‘tirador ng mga militante’ kailangang matigil na” -- KMU
Muling kinondena ng Kilusang Mayo Uno (KMU) ang panibagong pagpaslang sa isang lider ng Anakpawis na si Ponciano Silva, 54 taong gulang, kahapon ng banding 12:30 – 1:00 ng hapon sa Bgy. Kalilayan Ibaba, Unisan, Quezon. Tinambangan siya ng di pa nakikilalang salarin na armado at nakasakay sa motorsiklo.
Si Silva ay isang dentista at lokal na lider ng Anakpawis sa Unisan. Ang kanyang maybahay ay isang kagawad ng Barangay Almacen. Pinaniniwalaan na ang pumaslang kay Silva ay bahagi ng isang malaking grupo ng mga gun-for-hire na siyang pumapatay sa mga lider at kasapi ng mga militanteng grupo.
Ayon kay Presto Suyat, may iisang istilo ang pagpaslang sa mga aktibista, kapareho rin ng kung paano pinapatay ang mga taga-media.
“Karaniwan, ang mga killer ay nakaangkas sa motorsiklo, nakasuot ng bonnet o helmet at gumagamit ng kalibre .45 na baril. Kadalasan, isang pares o dalawa ang gumagawa ng pamamaslang. Sasabayan o susundan ang biktima saka kukuha ng tiyempo para barilin. Madalas ring mula sa likod ang pagbaril. Patalikod at patraydor kung patayin ang mga sibilyan.”
Pareho ng istilo ng pagpaslang kina Diosdado Fortuna ng PAMANTIK-KMU, Atty. Norman Bocar ng Bayan Muna Samar, Rolly Mariano ng Bayan Muna Tarlac pati mga nauna pang biktima ng pamamaslang dahil sa pulitika.
Nagbabala ang KMU sa mga mamamayan na maging mapagbantay sa mga kahina-hinalang tao na makikita nila sa kanilang lugar. “Kung ang gobyerno at militar ay naglabas ng deskripsyon kung ano ang maaring hitsura ng mga terorista, kailangan din malaman ng taumbayan kung ano ang hitsura ng mga mamamatay tao at bayarang kriminal na inuupahan para paslangin ang mga lider at kasapi ng mga militanteng organisasyon na walang ibang kasalanan kundi ang tutulan ang mga patakaran ni Arroyo na nakakasama sa taumbayan. ###
BALITA
Oktubre 13, 2005
Gimik lang sa rali
Babaeng pulis, CPR pa rin ang batutang gamit -- KMU
Gimik lang ang paggamit ng mga babaeng pulis sa rali ayon sa militanteng grupong Kilusang Mayo Uno (KMU).
Ayon kay Nitz Gonzaga, kalihim ng departamento para sa kababaihang manggagawa, “Gimik lang sa mga rali dahil ang totoo, si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo pa rin ang boss nila at calibrated preemptive response (CPR) pa rin ang oryentasyon sa kanila. Mapababae o mapalalaking pulis, pareho lang ang likaw ng bituka nila dahil iisa lang ang order na sinusunod nila.”
Sinabi ito ng batikang lider-manggagawa matapos ng marahas na dispersal sa mga nagmartsang raliyista sa Mendiola kahapon kung saan kasama si Renato Constantino at iba pang civil libertarians.
“Kahit nga si Gloria at ang dating diktador na Pangulong Ferdinand Marcos ay walang ipinag-iba dahil pareho nilang inabuso ang kanilang kapangyarihan sa paggamit ng kamay sa taumbayang dumadaing sa kahirapan,” giit ni Gonzaga.
Ipinaliwanag pa ni Gonzaga na karanasan na ng mga manggagawa sa Hacienda Luisita ang makaranas ng mararahas na dispersal kahit pa babaeng pulis ang hinaharap sa piketlayn, “Pang-photo ops lang naman talaga ang mga babaeng pulis nila. Pero hindi maitatago niyon ang martial rule na lumalaganap sa bansa.”###
PRESS RELEASE
Malacañang tongue-forking, official Martial Rule imminent
“Components of a dictatorship are in place, only Arroyo’s signature missing” – KMU
The militant labor center Kilusang Mayo Uno (KMU) today said that however Malacanang tries to fork its tongue on the existence of a creeping Martial Law, all the components of a dictatorial rule are in place with national policies such as Executive Order 464, Calibrated Preemptive Response and the impending declaration of emergency rule.
“To save her sinking regime, she is preparing an Executive Order declaring a ‘State of
“Dispersals await peaceful rallies, demonstrators and government critics face arrests and harassment. Police and military elements carry out brutal acts of violence against unarmed civilians. Leaders and members of progressive organizations and trade unions are being killed. If this situation is not yet Martial Law then what is it? Does Arroyo want to call it “Girl Power” or “Game of the Generals” or other absurd name just to hide the severe political repression instigated by Malacanang? The government can enact several executive orders embodying outright tyranny but can still deny the existence of Martial Law. ”
“The growing number of Filipinos going hungry due to spiraling prices of basic goods, coupled with the rigging of the last presidential polls is a lethal combo. We are fed up with Arroyo’s lying and hypocrisy. She has no remorse with all her faults against the Filipino people. She has not even made a comment on the spate of politically-motivated and trade-union related killings of various labor leaders throughout the country. We hold her accountable for the growing cases of trade union violence and violations of workers’ rights,” Maglunsod said.
Yesterday, Tony Cuizon, Union President of Atlas Mining Corporation in
NEWS RELEASE
“Atlas Mining Corporation Union President Tony Cuizon, ambushed; trade union leaders targets for assasination” – KMU
Another labor union leader was ambushed this morning and was rushed to the
Cuizon, together with his mother, 2 grand daughters and their household help were on board a car when 4 motorcycle riding men wearing bonnets fired at their car. Cuizon bore three gunshot wounds near the shoulder and one on his right hand. The assailants used .45 caliber weapons. He is now in serious condition.
Cuizon is also a former National Council member of Kilusang Mayo Uno. He heads the Pagkaihusan ng mga Mamumuo sa Atlas (PAMA) employees union who are facing an enduring labor dispute that started after the company closed and stopped operations in 1994 and failed to pay the separation pay of almost 1000 miners and employees of the mining company. Atlas is one of the biggest copper mining companies in
KMU Chairman Elmer Labog said the killing and attempts to kill trade union leaders has now spread throughout
“Labor leaders who are leading workers’ struggles for job security, higher wages and trade union rights are now actual targets of terrorism coming from the management of companies and elements of the state including the police, military and intelligence agents.”
Until now, Philippine National Police Calamba has not yet solved the killing of Diosdado Fortuna and dismissed the case as mere internal rift among Nestle employees. “We will not be surprised if police forces will maliciously regard the shooting of Cuizon as an internal rift among Atlas workers.” ###
BALITA
Oktubre 10, 2005
Imbes na gamitin sa mga raliyista
CPR, iginiit ng KMU laban sa pagtaas sa presyo ng langis
Comprehensive Price Regulation (CPR) ang sagot ng Kilusang Mayo Uno (KMU) sa panibagong 50 sentimos na pagtataas sa presyo ng gasolina at diesel habang P1 kada litro naman ang dagdag-presyo para sa 11-kg liquefied petroleum gas (LPG).
Sinabi ni Joselito Ustarez, Pangalawang Tagapangulo ng KMU, na imbes gamitin sa mga raliyista ang CPR (calibrated preemptive response), dapat na pagtuunan ng pansin ng gobyerno ang paglalatag ng price regulation para labanan ang kartel ng langis.
Ayon kay Ustarez, hindi na kakayanin pa ng ordinaryong mamamayan kahit anong pilit na pagpapalunok ng gobyerno sa taumbayan ng kainutilan nito sa harap ng anito’y di maawat na pagtaas sa presyo ng langis, “Dapat na i-preempt ng gobyerno ang hagupit ng kartel ng langis sa taumbayan.”
Sa ilalim ng ipinapanukalang CPR, inihalimbawa ni Ustarez ang direktang pagkuha ng langis sa mga bansang nagpoprodyus nito. Aniya, ganito ang ginagawa ng bansang at . Doktor ang palit-serbisyo ng gobyerno ng para sa langis ng .
Kasama rin sa CPR ang kagyat na pagbabasura sa batas deregulasyon sa industriya ng langis.
Kahirapan ang isyu sa rali, hindi rali ang isyu
Binatikos naman ni Presto Suyat, Tagapagsalita ng KMU, ang hirit ni Executive Secretary Eduardo Ermita na mekanismo ng mga grupong anti-Arroyo ang mga protesta’t demonstrasyon para sa pagpapainit ng “political dissent” laban sa gobyerno.
“Kahirapan at mga isyung lehitimo ang dinadala namin sa lansangan. Huwag sabihin ni Ermita na parang ginagamit namin ang rali para magalit ang taumbayan sa gobyerno. Galit na talaga ang mamamayan dahil kagutuman at pambubusal sa mga karaingan ang inaatupag ng administrasyon at ito ang dahilan kung bakit nagpupunta sila sa lansangan para ihayag ang mga damdaming ito at batikusin ang kalakarang ganito,” pagtatapos ni Suyat. ###
BALITA
“1 sa bawat 3 kumpanya, dinudugas ang 13th month pay” – KMU
Nilantad ngayon ng Kilusang Mayo Uno (KMU) ang pandurugas ng mga kumpanya sa benepisyo ng mga obrero batay na rin sa pinakahuling pag-aaral ng gobyerno, kung saan 1 sa bawat 3 kumpanya sa National Capital Region ang hindi nagbabayad ng 13th month pay sa kanilang mga regular na manggagawa. Ayon kay Joel Maglunsod, pangkalahatang-kalihim ng Kilusang Mayo Uno, “malinaw na paglabag ito sa batas at pagnanakaw sa pinaghirapan ng mga obrero.”
Ayon sa datos ng Bureau of Labor and Employment Statistics (BLES) nuong taong 2003, sa 1,091 na establisimento sa NCR na kanilang nainspeksyon, 326 dito o 29.9% ang hindi nagbayad o kulang ang ibinigay na 13th month pay sa kanilang mga manggagawa. “Malinaw ang titik ng Presidential Decree 851 na nag-oobliga sa lahat ng kumpanya na magbayad ng 13th month pay at kung sinuman ang lumabag dito ay kailangan parusahan. Pinagkait na ang P125 na dagdag sahod, pati ba naman ang mga natitirang benepisyo ay ninanakaw pa,” giit ni Maglunsod.
Ayon pa kay Maglunsod, karamihan sa mga regular na manggagawa ay nakaasa sa kanilang 13th month pay para may maihain sa panahon ng noche buena. “Ngayon pa lamang Oktubre, mahigit P500 na ang LPG, ang kilo naman ng manok ay higit na sa P100, kahit na makatanggap pa ng 13th month pay, tiyak na kukulangin ito. Paano pa kaya kung nanakawin pa ito mula sa obrero? Malamang ay pan de sal at instant mami na lamang maihahanda ng mga manggagawa pagsapit ng pasko,” ani Maglunsod.
Nanawagan din ang KMU na maglunsad ang Senado at Mababang Kapulungan ng imbestigasyon hinggil sa hindi pagbibigay ng mga negosyante, lalu na iyong malalaking empresa, sa mga benepisyong dapat matanggap ng mga regular at kontraktwal na manggagawa. ###
BALITA
Oktubre 7, 2005
Sa mga abusadong pulis sa rali
KMU kay Ermita: mga asong ulol, ikadena!
Sang-ayon ang sentrong unyon na Kilusang Mayo Uno (KMU) sa sinabi ni Executive Secretary Eduardo Ermita na katulad ng mga aso ang mga pulis na dinedeploy sa mga rali.
“Pero katulad ang mga pulis ng mga asong ulol na ginagawang punching bag ang mga raliyista dahil taliwas sa pagtatanggol ni Ermita, umaatake ang mga ito kahit hindi buyuin,” obserba ni Nitz Gonzaga, kalihim ng mga kababaihang manggagawa.
Kasama ang beteranang lider-manggagawa, na isang senior citizen na rin ngayon, sa rali kahapon na nakatikim na naman ng calibrated preemptive response (CPR) ng Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo. Nakausad lamang ang rali mula sa UST hanggang Morayta nang makalusot ang mga raliyista sa baklad ng mga pulisyang nagsimula na namang gumamit ng truncheon para ipang-hampas sa mga raliyista. Hindi na nakalusot pa ang hanay patungong Mendiola.
“Sa tanda kong ito, sa ilang naghuhunyangong martial law ng mga rehimen na naranasan ko na, alam ko na ang hilatsa ng mga asong pulis kung paanong pinaglalawayan ang paggulpi sa mga raliyista kahit walang dahilan. Ngayong ipinagkakait ang makasaysayang Mendiola sa aming mga hinaing, alam na dapat ng taumbayan kung anong nagbabadyang Martial Law.” paliwanag ni Gonzaga.
“Hindi rin totoong ginagamit ng aming grupo ang CPR para buyuin ang mga pulis sa gitgitan, ang CPR ang ginagamit ng mga pulis, nagtatago sa likod nito sa paglabag sa aming mga karapatang tao.
Mayroon kaming mga lehitimong isyu na dinadala sa lansangan at karapatan lamang namin ayon sa konstitusyon at bilang tao ang magpahayag kaya huwag iniiba ni Ermita ang usapan,” galit na sabi ni Gonzaga.
Sinabi naman ni Presto Suyat, tagapagsalita ng KMU, na kung aso ang mga pulis katulad ng paniwala ni Ermita, dapat na ikadena ng palasyo at siguraduhing may dog tag ang mga ito.
“Sa susunod na sumalakay muli ang mga pulis sa aming hanay, malalantad lamang na maski ang hepe ng mga aso sa palasyo ay walang kontrol sa mga asong ulol nito,” tirada pa ni Suyat.
Aniya, di nakakapagtaka na umastang berdugo ang mga pulis dahil mismo si Ermita, ang kanilang chief dog, ay aso ang tingin sa kanila, Nanawagan din si Suyat sa pulisya na magkaroon ng respeto sa sarili at huwag nang gamitin ang CPR ni Gloria sa mga raliyista, “Ngayong alam na ninyo na hindi tao ang tingin sa inyo ng palasyo bilang pulis, dapat na alam na ninyo kung saan at para talaga kanino kayo dapat nagpoprotekta.”###
BALITA
Oktubre 5, 2005
Sa pag-iintriga sa unyon at inutil na imbestigasyon ng PNP-Calamba
Nawa'y magka-diarrhea kayo sa pag-inom ng gatas at produkto ng Nestle - KMU
KINONDENA ng militanteng Kilusang Mayo Uno (KMU) ang Philippine National Police (PNP) sa Calamba, Laguna sa pagpapalaganap nito ng intriga na away diumano sa loob ng unyon ng Nestle ang dahilan ng brutal na pagpatay sa pangulong nitong si Diosdado "Ka Fort" Fortuna.
Ayon kay Calamba City Police director Superintendent Roland Bustos na batay sa kanilang imbestigasyon, malakas diumano ang ebidensiya na banggaan ng mga lider ng unyon ng Nestle ang dahilan sa pagpaslang kay Fortuna.
" Magkano kaya ang ibinigay ng Nestle sa PNP Calamba at Bustos upang mang-upat sila ng intriga sa mga manggagawa ng Nestle? Sana'y magka-diarrhea sila sa pag-inom ng mga gatas
at iba pang produkto nito na ipinansuhol sa kanila bilang kabayaran sa kanilang garapalang pagsisinungaling sa publiko. Namatayan na nga ng pangulo ang unyon ng Nestle, sila pa ngayon ang palalabasing salarin sa pagpatay ng mga berdugong pulis at milItar kay Ka Fort. Sirang-plaka na ang ganitong intriga sa mga kasong dawit ang mga nasa gobyerno, pulis at militar tulad ng sa masaker sa Hacienda Luisita," sabi ni Prestoline Suyat, Tagapagsalita ng KMU.
Binatikos din ni Suyat ang PNP-Calamba sa inutil na isinagawang imbestigasyon nito sa asasinasyon ni Fortuna. Ayon sa tagapagsalita ng KMU, nagreklamo ang biyuda ni Diosdado Fortunna na si Luz Fortuna na nag-iimbestiga ang pulisya sa pagpaslang ni Fortuna sa pamamagitan lamang ng telepono.
" Noong una'y nagdududa na kaming walang patutunguhan ang imbestigasyon ng PNP dahil sa reklamo ni Ka Luz na tumatawag lamang sila sa telepono upang kausapin si Ka Luz. Siguro nga'y natatakot silang kapag nag-imbestiga sila ng mabuti ay tutungo ito sa katotohanang ang mga kauri nilang nakauniporme ang may kagagawan ng malagim na pagpatay na ito. Natatakot din silang pumunta sa burol ni Ka Fort at kausapin ang pamilya niya dahil mahirap ang tumingin nang diretso sa mata ng mga mahal sa buhay ni Ka Fort at sabihing sinsero silang nag-iimbestiga at gustong makatulong," paliwanag ni Suyat.
Inirehistro rin ni Suyat na minsan pa ay napatunayang hindi makakamtan ng mga manggagawa at taumbayan ang katarungan mula sa pulisyang mistulang robot sa malupit at pekeng pangulong si Gloria Macapagal-Arroyo.
" Anong katarungan ang aasahan natin sa pulisyang hindi na naman nag-iisip kundi sunud-sunuran na lamang sa isang sinungaling na pangulong pumapatay ng mga manggagawa? Malinaw na ang hustisya'y makukuha na lamang natin sa sama-sama nating pagkilos at paglaban. Gagawin natin ito upang hindi masayang ang pagbubuwis ng buhay ng mga dakilang lider-manggagawang tulad ni Ka Fort," pagwawakas ni Suyat. ###
NEWS RELEASE
"Arroyo's Martial Law will fail" -- KMU
"There's no doubt about it, "Iron-maiden Gloria" has single-handedly placed the entire country under Martial Law. But her dictatorship will fail. Freedom and democracy loving Filipinos will continue to assert our democratic rights despite continued repression and abusive use of power by the police and military," said KMU Secretary General Joel Maglunsod.
KMU condemned the police brutality exhibited by members and officials of the Western Police District (WPD) under the command of Col. Danilo Abarsoza, who violently dispersed the peaceful rally of various militant organizations and civil libertarians at Mendiola yesterday.
"We were treated like criminals when all we wanted to do is to express our opposition to Arroyo's Calibrated Preemptive Response policy. The police violently arrested some of our colleagues and dragged them like hogs, grabbing them by the hands and feet. The still photos and video footages of the violent dispersal of rally at Mendiola yesterday will show how monstrous can the Arroyo government get when it comes to dealing with its critics," Maglunsod said.
Abduction in
The labor leader said "after Arroyo declared CPR, human rights violations now happen on a daily basis throughout the country. The targets of these state-sponsored attacks include leaders and members of labor organizations, peasant groups, human rights advocates and practically everyone resisting Arroyo's fake and burdensome presidency."
Maglunsod cited the illegal abduction and detention of five members of National Federation of Sugar Workers (NFSW), a member labor federation of KMU based in Negros Occidental. Last September 30, five members of Kilusang Magbubukid sa Pilipinas and NFSW as well as the driver and helper of the van they rented were arrested at around
Reports from Karapatan Negros said that KMP and NFSW organizers namely Abraham Villanueva, Marilou Villava, Moreto Junson, Charity Amacan and Dario Dayanan were on their way home to Kabankalan City after a attending a meeting in Dumaguete City when van they were riding was bumped by another vehicle with armed men on board. Some of the assailants were wearing army uniforms and some were in plainclothes and wearing bonnets. Armed men on board two motorcycles also stopped their van.
The armed men, undoubtedly from the military, "arrested" the group and brought them to the 61st Infantry Battalion of the Philippine Army Camp based in Piling, Cauayan, Negros Occidental. The military accused them of being high-ranking officers of the Communist Party of the and New Peoples Army, but did not show any warrant of arrest.
The head of the arresting unit of the 12th IB of the Philippine Army is Lt. Sandy Labrador. Two laptops and cell phones were taken from the victims. The military also planted a .38 caliber pistol in the van and was used as an evidence against the group.
Members of KARAPATAN and KMP and NFSW organized a Quick Reaction Team (QRT) with Atty. Ramos to search for the arrested persons.
At
BALITA
Oktubre 4, 2005
Sa pagiging propaganda machine ni Gloria
TUCP, may amnesia! -- KMU
May sakit na amnesia ang Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) sa pagbubukambibig nito na tigilan na ang pagsasayang ng oras sa pulitika na propaganda mismo ng administrasyon ayon sa sentrong unyong Kilusang Mayo Uno (KMU).
Giit ni Presto Suyat, Tagapagsalita ng KMU, “Ambilis mag-ulyanin ng TUCP gayong sunod-sunod ang pag-atake sa uring manggagawa, sunod-sunod na pamamaslang ang iniinda ngayon ng kilusang paggawa. Bukod sa pinapatay ng kamal na bakal ng rehimen ang mga lider-unyon, ginugutom at pinapatay din ang mga manggagawa at pamilya sa dispalinghadong programa nito sa trabaho at barat na pasahod.”
Binatikos din ni Suyat ang TUCP sa pagkikibit-balikat nito sa nabanggit mga pamamaslang sa mga lider-unyon.
“Naghuhunyangong walang pinapanigan ang TUCP sa inilabas nitong pahayag sa nagaganap na krisis pulitikal pero ang totoo status quo na pabor kay Gloria ang gusto nito,” paliwanag pa ni Suyat.
Nanawagan din si Suyat sa mga miyembro ng TUCP na sumama na sa mga pagkilos para tuluyang patalsikin ang Pangulong Arroyo kahit taliwas ito sa gustong mangyari ng mga lider nito, “Ang pagkakapit-tuko ni Gloria ang nagtutulak sa klima ng instabilidad sa pagnenegosyo. Ang pagkatig sa status quo na pabor kay Gloria ay pagpapahaba lamang ng paghihirap ng taumbayan. Walang dudang babagsak din si Gloria.”
Minaliit din ni Suyat ang panawagan ng TUCP na magkaisa na ang administrasyon at oposisyon para maharap nito ang mga pangunahing isyu sa lipunan, “Gusto ko lang ipaalala sa TUCP na hindi kailanman pabor sa mamamayan ang alinmang batas at programa ng gobyernong ito.”
Binanggit ni Suyat ang itinulak na batas ng administrasyon Arroyo tulad ng expanded value added tax (EVAT) na tinatayang maipapatupad sa Oktubre 15 sakaling tanggalin ng Korte Suprema ngayong linggo ang TRO. Bukod sa sunod-sunod na pagtaas ng langis, aniya, nagtaas din ang presyo ng liquefied petroleum gas (LPG) nang P50 kada tangke.###
Labor leader’s slay case reaches US
First posted 09:37pm (Mla time) Sept 29, 2005
By Marlon Ramos
Inquirer News Service
Editor's Note: Published on Page A17 of the September 30, 2005 issue of the Philippine Daily Inquirer
CALAMBA CITY—OSCAR WINNER ACTRESS JESSICA Lange has signed an open letter condemning the murder of the leader of the striking workers of Nestlé Philippines, the Gabriela International Network (Gain) said on Monday.
In an e-mail sent to the Inquirer, poet and writer Ninotchka Rosca, Gain spokesperson, said Lange signed the petition condemning the killing of Diosdado “Ka Fort” Fortuna “after delivering a fiery speech against the US invasion and occupation of Iraq at the anti-war mobilization in Washington, DC,” on Sept. 24.
She said about 500,000 anti-war activists joined the rally.
Lange won an Oscar trophy for her role as a mentally disturbed wife of a military officer in the 1994 movie “Blue Sky.”
She also got an Oscar award as Best Supporting Actress in 1982 for her role in Sydney Pollack’s “Tootsie” opposite Dustin Hoffman.