Kilusang Mayo Uno

pinilak ang pakikibaka ng mga manggagawa sa pangunguna ng Kilusang Mayo Uno (KMU)

Monday, 30 January 2006

NEWS RELEASE

January 30, 2006

KMU, willing to tour Bunye to marketplaces

Prices and unemployment to shoot up due to 2% additional VAT

The Kilusang Mayo Uno (KMU)  is willing to tour Presidential Spokesperson Ignacio Bunye to different marketplaces in the metro for him to experience first-hand how few goods can be bought by present minimum wage even without the 2% Value Added Tax, which will be imposed on February 1 this year.

This was the announcement of Nenita Gonzaga, Women’s Department Secretary of the KMU as a jab to Bunye and Malacañang’s downplaying of the effects of the additional VAT.  This was done in the midst of staggering prices of sugar amounting to P 39 –  P 40.80/kilo, while LPG costs at around P570 per 11kg tank.

Instead of using his payslip during visits to the market, KMU dared Bunye to use a payslip of a worker getting minimum wage of P275 a day.  According to Gonzaga, “Let him try to buy food for a family of six using that amount.  But before that, he must deduct the rising costs of electricity, water, fare and costs of education.”

Gonzaga clarified that the 2% VAT would mean an additional P81.4 billion burden for the people or more than P5,000 per household this year.  The gap between prices of commodities and wages is bound to further widen.  In the National Capital Region for example, the estimated P681 daily cost of living for a family of six – is more than double the existing minimum wage of P275 (excluding the P50 ECOLA).

Gonzaga added that there will no longer be a need to impose back-breaking taxes if the government put a stop to tax leakage and have the political will to eradicate corruption.

According to a study made by the Federation of Philippine Industries (FPI), our coffers lost an estimated P 105.03 billion in the 2000 due to rampant smuggling and systematic corruption inside the Bureau of Customs (BoC) alone.  Compare this to the P35.12 billion estimated by the Department of Finance to be collected from the additional 2% VAT.

Massive unemployment due to VAT

Contrary to the government’s propaganda that employment figures will increase due to additional VAT, unemployment statistics are bound to increase.
 “Last year, the government implemented the 10% additional VAT and yet there was no increase in employment,” explained the women labor leader.

Gonzaga cited the recent study of the Asian Institute of Management (AIM) showing that unemployment figures are very disturbing under the Arroyo leadership.  According to AIM, those belonging to the age bracket of 18-24 years old are bearing the unemployment brunt in 2005, especially the women.  About 38% of Filipinas are unemployed while 48.6% of the youth cannot find work.  ###  

posted by: KMU at 05:12 | link | comments |

Tuesday, 24 January 2006

BALITA

Enero  24, 2006

 

‘Di lang sa mga mamamahayag

Pilipinas, mapanganib na lugar din para sa mga unyonista - KMU

Kung ang 2005 ay marahas na taon para sa mga mamamahayag, madugong taon din ito para sa hanay ng mga manggagawa ayon sa Kilusang Mayo Uno (KMU).

Sa datos ng Center for Trade Union and Human Rights (CTUHR), aabot sa 24-katao na may kaugnayan sa kilusang paggawa ang pinaslang noong nakaraang taon. Aabot naman sa 150-katao ang bilang ng mga propesyunal sa midya sa buong mundo ang napaslang noong nakaraang taon ayon sa International Federation of Journalists (IFJ). Sampu sa estadistikang ito ay mula sa Pilipinas.

Ayon kay Joel Maglunsod, Pangkalahatang Kalihim ng KMU, “Malubhang taon ang 2005 para sa mga manggagawa dulot na rin ng patakaran na panunupil sa kilusang paggawa. Bukod sa mapanupil na batas laban sa mga manggagawa na nakapaloob sa labor code, ginagawa rin ng gobyerno at kapitalista ang iba’t ibang porma ng pag-atake sa mga manggagawa nang walang pagpipigil.”

Ilan sa mga napaslang sina Diosdado “Ka Fort” Fortuna ay Tagapangulo ng unyon sa Nestle Cabuyao na pinaslang habang nakasakay sa kanyang motorsiklo pagkagaling nito sa piketlayn. Si Ricardo Ramos naman ang Tagapangulo ng Central Azucarera de Tarlac Labor Union (CATLU) sa kontrobersyal na welga sa Hacienda Luisita na inasinta ng bala malapit sa kanyang tahanan. Si Manuel Bargamento ng Negros Federation of Sugar Workers (NFSW) sa Negros Occidental na binaril ng dalawang armadong kalalakihan pagkagaling nito sa labor protests sa Bacolod. Nabaril at napatay naman si Dante Teotino, unyonista sa Caybiga, Caloocan City habang nasugatan ang pito pang manggagawa nang paulanan ng bala ng security guard ang kanilang welga.

“Ang nakababahala pa rito, wala namang nakukulong sa mga maysala. Ang kultura ng walang pakundangang pagpaslang na ito ay nararanasan din sa ibang sektor tulad sa midya na wala ring salaring napaparusahan,” giit ni Maglunsod.###

Babala sa magsasaka, manggagawa at maliliit na negosyante:  Sa tag-init, babaha ng produktong dayuhan - KMU

Nagbabala ang Kilusang Mayo Uno na darami ang maghihirap at magugutom na magsasaka, manggagawa at maliliit na negosyante sa darating na mga araw dahil sa pinirmahang Executive Order 489 kung saan higit na binawasan ni Arroyo ang taripa sa mga papasok na dayuhang produkto.

Ginawa ito ni Arroyo bilang pagtugon sa iskemang Common Effective Preferential Tariff (CEPT), kung saan target na maging zero ang taripa sa kalakalan sa pagitan ng mga bansa ng Timog-Silangang Asya.

Ayon kay Elmer “Ka Bong” Labog, tiyak na mauulit ang pagguho ng ating lokal na industriya, tulad ng nangyari sa Marikina.  “Dahil sa pagbaha ng murang sapatos mula sa ibayong dagat, libu-libong manggagawa ang nawalan ng trabaho at daan-daang maliliit na negosyante ang nabangkarote nuong dekada 80 at hanggang ngayon ay hindi pa nakakabawi ang industriya ng Marikina.”

“Ngayon pa lamang ng may natitira pang taripa ay pulos produktong galing Tsina ang makikita sa ating mga palengke, paano pa kaya pagdating ng taong 2010, kung saan gagawing zero na ang taripa,” ani Labog. 

“Samantalang niliitan ng mga gobyerno ng mga indutriyalisadong bayan ang bilang ng aangkatin mula sa mga maliliit na bayan tulad ng Pilipinas, bulag namangsinusunod ni Arroyo ang mantra ng globalisasyon na matagal nang napatunayan na masama para sa ating bayan,” dagdag ni Labog.

 

posted by: KMU at 07:16 | link | comments |

Monday, 23 January 2006

BALITA

Enero 23, 2006

Pagkakapareho ng “Hello Manny!” at “Hello Garci!” nalantad

PAGKAPANALO NI PACQUIAO, IPINAGBUNYI NG MGA MANGGAGAWA

Maging ang sentrong unyon na Kilusang Mayo Uno (KMU) ay nagpaabot ng pagbati kay Manny Pacquiao sa pagkapanalo nito laban sa Mehikanong si Erik Morales.

“Ipinagbubunyi siya ng mga manggagawa na umantabay sa telebisyon o kaya’y nakinig sa radyo para mapanuod at masubaybayan ang kanyang laban,” galak na galak na pahayag ni Joel Maglunsod, Pangkalahatang Kalihim ng KMU.

“Tunay at malinis ang pagkapanalo ni Pacquiao,” dagdag pa ni Maglunsod samantalang nagpahaging pa ito na hindi tulad ang pagkapanalo ng boksingero sa pagkapanalo ni Mrs. Gloria Macapagal-Arroyo sa pagkapangulo na aniya’y puno ng pandaraya at karumihan. Hanggang sa ngayon ay hindi pa rin nalalampasan ng pangulo ang isyu ng malawakang pandaraya noong 2004 eleksyon.

Sinabi rin ni Maglunsod na nasiyahan ang mga manggagawa sa magandang laban ni Pacquiao. Nagbiro pa ang lider-manggagawa na welga sila sa transport at pabrika kahapon para lang mapanuod ang laban ng sikat na boksingero, “Pagkatapos ng laban ni Pacquiao, ngayon naman ay muling haharap ang mga manggagawa sa sarili nitong laban para sa disenteng pasahod at trabaho.”

“Sa harap ng di masawatang pambubugbog sa mamamayan sa pamamagitan ng pagtaas ng mga presyo at buwis tulad ng 2% expanded value added tax (EVAT) sa Pebrero 1, tuloy ang laban para sa P125 dagdag na sahod, across-the-board, across-the-country,” optimistikong pahayag ni Maglunsod

Samantala, sinabi naman ni Prestoline S. Suyat, Tagapagsalita ng KMU, na malaking pagkakamali kay Mrs. Macapagal-Arroyo ang pagtawag nito kay Manny pagkatapos na manalo sa boksing. Sa live niyang pagtawag, narinig ang hindi mapapasubaliang boses niya na “Hello Manny!” tulad ng pagbati niya ng “Hello Garci!”.

“Sa kagustuhan niyang mabilis na magamit ang pagkapanalo ni Pacquiao, lalong nalantad ang katotohanang si Gng. Arroyo nga ang nasa Hello Garci controversy. Ang pagkakaiba lang, malinis na lumaban at nanalo si Manny habang walang dudang nandaya naman si GMA sa nakaraang eleksyon,” giit ni Suyat.

Inirehistro rin ni Suyat na tama ang obserbasyon na dalawang Pacquiao ang nakita sa boxing ring matapos ang laban. Isa rito ang si Manny Pacquiao na Kampeon ng bansa at si First Gentleman Mike “Mamamakyaw ng Money” Arroyo na nagpapapogi sa masang Pilipino.###

posted by: KMU at 05:03 | link | comments |

 

About me

User: KMU
Name: Kilusang Mayo Uno
As the exponent of genuine, militant and nationalist trade unionism in the Philippines, the Kilusang Mayo Uno (KMU) espouses the revolutionary tradition of the Filipino working class which has its roots in the formation of the country's first trade union. Imbued with this tradition, Filipino workers rallied behind the KMU when it was formed on May 1, 1980. For the first time since the Council of Labor Organizations, a rallying point for genuine, militant and nationalist unionism emerged.

  • Contact me
  • My profile
  • Linkme

  • Powered by Mo'time

Links

BAYAN

 

Counter

visited *loading* times