pinilak ang pakikibaka ng mga manggagawa sa pangunguna ng Kilusang Mayo Uno (KMU)
Candle for Democracy
The KMU launched Candle for Democracy. Despite the lifting of Proclamation No. 1017, KMU Emeritus and Anakpawis Rep. Crispin "Ka Bel" Beltran
remains in detention. Every 6pm, let us continue to light candles outside our offices and houses to protest yet another veiled martial law -
a silent attack against critics of this government's anti-people and anti-worker policies.
WE appeal for the immediate release of Ka Bel for humanitarian reasons. He was illegally
arrested and detained without probable cause. Now, he is charged with rebellion. But then,
is it rebellion for Ka Bel to advance the democratic rights and interests of workers and the
toiling masses on the streets and inside the Congress?
Bakit Tumaas ang Presyon ng Dugo ni Ka Bel
"Nananawagan ako sa mamamayang Pilipino na labanan ang pahirap na diktadurya ni Gng. Arroyo. Ako ay nagsisikap na makalaya sa ilegal na pagkakakulong na ito, para makasama kayo sa mga laban sa loob at labas ng Kongreso."
- Rep. Crispin Beltran,
bago siya ipasok sa
para sa inquest ng kasong rebelyon.
Si Ka Bel,
kilala ng marami - lalo na
ng mga manggagawa, magsasaka't
mga maralitang taga-lungsod -
ay walang habas na dinakip
at ipiniit sa paratang na
nagpapasiklab ng rebolusyon.
(Sa utos ng Presidenteng baligtad
ang pagkakilala sa kalayaan at demokrasya).
Sa pinakahuling balita,
tumaas daw ang presyon ng dugo ni Ka Bel,
hindi sa sindak o ligalig -
(sa pitumpung taon nang walang lubay
na pakikibaka'y tinakasan na yata siya ng takot)
kundi sa galit:
kasalanan ba ang ipaglaban
ang karapatan sa makatwirang sahod?
Ang paglaban para sa mga nagbubungkal ng lupa
at pagtutol sa demolisyon?
Ay! Palalong pinuno.
Sagot sa kahirapa'y buwis
sa hinaing ay bala
at sinumang maghayag ng katotohanan
ay walang salang bubusalan sa bibig.
Ano'ng kabalintunaan?
Ikinukulong ang nagtatanggol sa mamamayan.
At pinapaslang ang humihiyaw ng katarungan.
Sa loob ng piitan
si Ka Bel ay nagngingitngit,
hindi pinanghihinaan ng loob.
Igapos o ikulong man,
walang magawa ang Estado
sa patuloy na pagtakas
ng kanyang galit
sa mga taong sanhi ng pagkaduhagi
ng minamahal niyang kauri.
Soliman Agulto
3 Marso 2006

today
March 2006
February 2006
January 2006
December 2005
November 2005
October 2005
September 2005
August 2005
July 2005
June 2005
visited *loading* times